Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kasapi ng Brgy. Police ng M’lang, Nocot; patay sa pamamaril sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2013) ---Patay ang isang 28-anyos na kasapi ng brgy. Police sa bayan ng M’lang makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng baril sa National Highway, particular sa Rizal St. malapit sa gilid ng LBC at Mercury drugstore sa Poblacion, Kabacan alas 9:00 kagabi.

Ayon sa impormasyong nakalap ng DXVL News mula sa himpilan ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima sa pangalang Jene Dengui Jordan, 28-taong gulang, may asawa at residente ng New Antique sa bayan ng Mlang.


Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, lumalabas na naghihintay umano ang biktima sa katatagpuing textmate na buhat sa Jacinto St., Poblacion ng bayang ito ng tinatahak sakay sa kanyang motorsiklo ang kahabaan ng National Highway ng ito ay pagbabarilin sa gilid ng LBC.

Nagawa pa umanong makatakbo ng biktima at nagtago sa likurang bahagi ng living water na nasa likod ng shooters establishment, pero tuluyan na rin siyang binawian ng buhay habang isinugod naman sa ospital ang isa pang kasama nito.

Isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga otoridad ay ang love triangle, bagama’t kinuha umano ang sinasakyang motorsiklo nito ng di pa matikoy na suspek at possible rin umanong carnap ang motibo.

Possible rin umanong family problem o personal grudge ang motibong ini-establish ng mga otoridad.

Ito ang unang kaso ng pamamaril ang naitala sa bayan sa unang araw ng taong 2013. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento