Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, arestado ng Carmen PNP dahil sa panggagahasa


(Carmen, North Cotabato/ January 2, 2013) ---Kalabuso at naghihimas ngayon ng malamig na rehas bakal ang isang magsasaka makaraang arestuhin ng Carmen PNP dahil sa panggagahasa sa isang 19-anyos na dalaga noong December 27.

Kinilala ni PC/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP ang suspek na si Rustom Olivar, nasa tamang edad, walang asawa at residente ng General Luna ng nabanggit na bayan.


Bagama’t kinilala ang biktima, bawal namang i-ere ang pagkakakilanlan nito batay s abagong batas na umiiral.

Itatago lang natin ang biktima sa pangalang “Ana” estudyante at residente ng nabanggit na lugar.

Dahil sa insedente, agad namang isinailalim ng mga otoridad ang biktima sa medical examination at doon nalaman mula kay Dr. Jose Naquitquitan na positibo ang biktima sa laceration at physical injuries.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad at sa isinagawang follow up operations sa pangunguna ni SPO4  Pancho Bais, lumalabas na papauwi na ang biktima ng ito ay sinundan at binugbog ng suspek bago ginahasa sa loob ng paaralan sa nasabing lugar.

Agad namang inilipat ngayon ang biktima sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas Kidapawan city para sa karagdagang medical evaluation.

Agad namang naisampa ang kaukulang kasong kakaharapin ng suspek sa pamamagitan ng inquest procedure. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento