Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

38-anyos na tulak droga sa Midsayap, huli ng mga otoridad


(Midsayap, North Cotabato/ October 20, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 38-anyos na lalaki makaraang mahuling nagtutulak ng illegal na droga sa bayan ng Midsayap, Cotabato alas 7:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Joseph Semillano, OIC ng Midsayap PNP ang natiklo na si Jose Joel Balancio, 38, binata at residente ng Brgy. Central Glad ng nabanggit na bayan.

29-anyos na lalaki, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2012) ---Patay on the spot ang isang 29-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang salarin sa may Jacinto St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:50 ng gabi nitong Biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP sa pangunguna ni PC/Insp. Jubernadine Panes ang biktima na si Dennis Umangal, 29 na taong gulang, may asawa at residente ng Plang Village 2 ng nabanggit na bayan.

2 babae, isa dito menor de edad, halinhinang ginahasa ng limang mga kalalakihan sa Kabacan, Cotabato; suspek arestado

(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2012) ---Kalaboso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang lima katao makaraang arestahin ng Kabacan PNP sa isang boarding House sa Matalam St., Pobalcion, Kabacan, North Cotabato ngayong umaga lamang makaraang ireklamo ng dalawang mga dalagita dahil sa panghahalay na ginagawa sa nila.

Batay sa report ng Kabacan PNP pinagpasa-pasahang gahasain ng limang mga suspek ang dalawang mga biktima na itago lang sa pangalang “Mishielle” at “Kristine”.

Naganap ang gang-rape kaninang madaling araw dakong alas 12:45 ng umaga sa Mamasakitao Boarding House na nasa Matalam St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Inirereklamong kalsada sa Midsayap, kabilang sa priority project na ipapatupad sa 2013


(Midsayap, North Cotabato/ October 17, 2012) ---Nilinaw ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na nakahanda na ang pondong gagamitin ppara sa concreting ng kalsada sa Barangay Kiwanan dito sa bayan.

Nabatid na isa ang proyekto sa mga prayoridad na maipatupad sa susunod na taon.

15 mga graduates ng USM pumasa sa katatapos na CPA Licensure Examinations

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 16, 2012) ---Labin limang mga graduates ng University of Southern Mindanao o USM ang pumasa sa katatapos na CPA o Certified Public Accountant Licensure Examinations na isinagawa nitong October 6 & 7 at 13 and 14.

Ayon kay Business Administration Department Chair Prof. Herson Amolo, ng CBDEM nabatid na 55.55% ang passing percentage ng USM habang 47.78 naman ang nakuhang National Passing nito.
Nabatid na 27 ang kumuha ng nasabing eksaminasyon buhat sa USM.