Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MSWDO Kabacan at Day care teachers tutulak sa Compostela Valley


(Kabacan, North Cotabato/ April 27, 2013) ---Magsasagawa ng Field Exposure sa tinamaan ng matinding hagupit na Bagyong Pablo ang Municipal Social Welfare and Development Office at ang Day Care teachers ng LGU Kabacan.

Tutulak ang grupo sa April 27 at 28 para sa nasabing aktibidad.

Mahigit 100 mga kabataan sa Kabacan naging benepisyaryo ng libreng tuli ng RHU


(Kabacan, North Cotabato/ April 27, 2013) ---Abot sa 117 mga kabataan ang naging benepisyaryo ng “operation tuli” sa ilang mga piling brgy ng Kabacan ngayong summer.

Ito ang nabatid mula kay Municipal Disease Surveillance Officer Honey Joy Cabellon kungsaan isinagawa ang nasabing aktibidad ng Rural Health Unit ng Kabacan sa mga brgy ng Pisan, Bangilan at Dagupan.

Single motorcycle vs tricycle; 2 sugatan


(Kabacan, North Cotabato/ April 27, 2013) ---Sugatan ang dalawa katao makaraang masangkot ang sinasakyan nitong Honda XRM motorcycle sa nangyaring banggan sa Corner Abellera at Miracle St., Pobalcion, Kabacan alas 3:30 kahapon.

Kinilala ni P01 Amor Guillermo ng Kabacan PNP Traffic division ang mga sugatan na sina: Wowie Mamangkas driver ng XRM at ang angkas nitong sina Maira Alamada at Marilyn Salkit na agad namang isinugod sa USM Hospital para mabigyan ng medical na atensyon.

Ilang mga election paraphernalia’s dumating na sa LGU Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ April 26, 2013) ---Dumating noong Martes sa LGU Kabacan ang ilang mga election paraphernalia’s.

Ito ayon kay Municipal Treasurer Precy Quiñones sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan.
Aniya ang nasabing mga gamit sa election ay kanilang kinuha sa Provincial Comelec ng North Cotabato sa Amas, Kidapawan City.

Mahabang brown-out; aasahan pa daw sa buwan ng Pasukan


(Matalam, North Cotabato/ April 26, 2013) ---Mas lalala pa umano ang brown out sa mga service erya na sakop ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ito ang sinabi ni Cotelco General Manager Godofredo Homez sa harap ng mga kasapi ng Multi-Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) at ng BAPA sa isinagawang conference kahapon ng umaga.

Bahay ng Municipal councilor sa Kabacan, hinagisan ng granada


(Kabacan, North Cotabato/ April 26, 2013) ---Tinapunan ng granada ng mga di pa nakilalang mga salarin ang bahay ni Councilor George Manuel na nasa Luna St., Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:30 kagabi.

Sa eksklusibong interbyu ng DXVL 94.9 Radyo ng Bayan sa opisyal nagdulot ng pinsala sa pader at balkonaye ng bahay nito ang sumabog na granada na inihagis sa mismong tahanan nito.

Mababang Presyo ng Rubber Cup Lum sa Merkado; inalmahan ng mga rubber farmer at tapper sa North Cotabato


(Kidapawan city/ April 25, 2013) ---Dismayado ngayon ang mga rubber farmer at tapper sa North Cotabato dahil sa mababang presyo ng rubber cup lump sa merkado.

Ayon sa report naglalaro lang kasi ang presyo nito sa P35-P36 kada kilo na para sa mga magsasaka ay mababa at hindi makatarungang presyo.

Binuong Fact Finding ng CHED, nagsasagawa na ng data gathering


(Kabacan, North Cotabato/ April 25, 2013) ---Nagsasagawa na ngayon ng data gathering ang binuong fact finding ng Commission on Higher Education o CHED hinggil sa nangyaring gusot sa University of Southern Mindanao o USM.

Ito ang ibinunyag ni Kabacan Ambassadress for Peace at dating alkalde Luzviminda Jumuad Tan sa panayam ng DXVL News kahapon.

Comelec at PNP Matalam, nanguna sa isinagawang operation baklas


(Matalam, North Cotabato/ April 25, 2013) ---Tinanggal ng Comelec Matalam ang mga posters ng mga pasaway na kandidato na wala sa common poster area sa bayan ng Matalam kahapon.

Nanguna sa nasabing operation baklas si Matalam Comelec Election Officer Jocelyn Obrique kasama ng Matalam PNP na nagbigay ng seguridad sa nasabing operasyon.

Sa panayam ng DXVL News 94.9 Radyo ng Bayan kay Operation Officer SP04 Froilan Gravidez na marami kasi sa Poblacion ng Matalam ang mga propaganda ng mga pulitiko na wala sa tamang lugar.

17 medalya, nakuha ng rehiyon 12 sa ikalawang araw ng palaro 2013


(Dumaguete City/April 25, 2013) ---Abot na sa 17 ang kabuuang medalya ang nakuha ng Rehiyon 12 bago pa man nagtapos ang ikalawang araw ng laro kahapon sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2013 sa Dumaguete city.

Ayon sa pinakahuling report ng Regional Documentor’s team anim na mga gintong medalya na ang nasungkit ng Rehiyon bukod pa sa limang silver at anim na mga bronze.

Daan-daang kabataan mula sa North Cotabato makikiisa sa massive tree planting sa Compostela Valley


(North Cotabato/ April 24, 2013) ---Tinatayang abot sa 500 na mga kabataang kasapi ng Tulong Kabataan Volunteers North Cotabato Chapter ang tutulak patungong Compostela Valley para sa isang massive tree planting sa April 28.

Ayon TKV-North Cotabato, makikiisa ang mga miyembro sa iba  pang kabataan sa Mindanao na sabay-sabay na pupunta sa Barangay Nga-an sa Compostela para pagtatanim ng daan-daang endemic trees doon.

Kidapawan City LGU, walang gen set; nirereklamo dahil mga transaksiyon sa gobyerno nababalam


(Kidapawan City/ April 24, 2013) ---Kinuwestiyon ng ilang sektor sa Kidapawan City ang kawalan ng generator ng Kidapawan City hall.

Matagal na raw dapat nakabili ng generator set ang LGU dahil importante ito lalo pa’t napakaraming transaksiyon ang nababalam kapag may brownout.

Mga nakumpiskang illegal na troso, naipamahagi sa ilang mga pampublikong paaralan sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2013) ---Abot sa 1,600 board feet na mga illegal na kahoy ang ipinamahagi sa isang paaralan sa brgy Pedtad kamakalawa.

Ang turn-over ng mga kinumpiskang mga illegal na troso ay pinangunahan ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Jerry Laoagan na isinagawa sa Kabacan Municipal Police Station.

3 katao, arestado dahil sa illegal na sugal sa Pikit, North Cotabato


(Pikit, North Cotabato/ April 24, 2013) ---Arestado ang tatlo katao makaraang mahuli ng mga otoridad dahil sa pagpapataya ng illegal na sugal sa Poblacion ng Pikit alas 3:00 ng hapon kamakalawa.

Kinilala ni P/CInps. Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP ang mga nahuli na sina: Anajoybel Quizon, nasa tamang edad, Elizabeth Nayona at Jovy Santander lahat residente ng bayan ng Pikit.

Lolo natagpuang patay makaraang pagbabarilin sa Pikit, Cotabato


(Pikit, North Cotabato/ April 24, 2013) ---Patay na ng matagpuan ng mga residente ang isang 71-anyos na lolo makaraang makaraang pagbabarilin sa Brgy. Takepan, Pikit, Cotabato alas 10:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni P/CInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Bienvenido Pano, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.

3 medalyang ginto, nasungkit ng CRAA sa unang araw ng Palarong Pambansa


(Dumaguete City/ April 24, 2013) ---Tatlong medalyang ginto na ang nakuha ng Cotabato Regional Athletic Associaton o CRAA sa unang araw ng palarong pambansa 2013 na ginaganap ngayon sa Dumaguete city, Negros Oriental, ang host na nasabing pinakamalaking sports event sa pilipinas.

Kinilala ang gold medalist na si Ron Pama ng General Santos city sa mens artistic gymnastics.

Provincial Government ng North Cotabato; nananawagan na sa agarang pagkakalaya ng kinidnap ng miyembro ng PNP Arakan


(Kidapawan City/ April 23, 2013) ---Ginagawa na ng North Cotabato Provincial Government ang lahat ng paraan para marekober ng buhay ang dinukot na PNP Arakan member na si PO3 Maula Ali.

Ayon kay North Cotabato Governor Emylou Talinio-Mendoza, kumikilos ang PNP North Cotabato para matiyak kung sino ang mga dumukot kay PO3 Ali at kung saan ito dinala.

Kaso ng Dengue sa Kabacan, tumaas ng tatlong beses


(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2013) ---Tumaas ng tatlong beses ang kaso ng dengue sa Kabacan ngayong unang quarter ng taon kung ikukumpara sa kaparehong quarter noong nakaraang taon.

Ito ang nabatid mula kay Disease Surveillance and Health Emergency and Management Coordinator Honey Joy Cabellon kungsaan umabot sa kabuuang 40 ang naitalang kaso ng nasabing sakit mula buwan ng Enero hanggang Marso.

Atleta ng North cotabato, umaasa na makakauwi ng Medalya sa Palarong Pambansa


(Kidapawan City/ April 23, 2013) ---Malaki raw ang pag-asa na makakapag-uwi ng medalya ang abot sa 80 mga atleta mula sa North Cotabato sa Palarong Pambansa sa Lomberto Sports Complex, Dumaguete City na nagsimula na nitong Linggo.

Ayon kay DepEd Cotabato Schools Division Sports Coordinator and Trainer Ed Rosete, ito ay matapos ang dibdibang training ng mga atleta sa larangan ng basketball, baseball, football at mga indoor sports.

Missing Disbursing Officer ng kidapawan city LGU; nahaharap sa 30 arrest warrants


(Kidapawan City/ April 23, 2013) ---Nagpalabas ng 30 warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) laban sa dating kawani ng Kidapawan City na pinaniniwalaang dumispalko ng malaking halaga ng pera para sana sa sahod at honoraria ng mga casuals at job order ng lungsod noong nakaraang Hunyo 2012.

Pinaniniwalaang grupo ng mga magnanakaw ng motorsiklo sa Cotabato-Davao province aktibo na naman raw – ayon sa PNP Kidapawan


(Kidapawan City/ April 23, 2013) ---Inalarma ngayon ng Kidapawan City PNP ang publiko partikular na ang mga motorista sa muling pananalakay ng mga motorcycle theft sa lungsod.

Ito ay matapos na sabay tangayon ng mga di-kilalang suspect ang dalawang motorsiklo sa Purok Guava, Apo Sandawa Road, Brgy. Poblacion ng Kidapawan City noong nakaraang Biyernes.

Kauna-unahang Palm Oil Crushing Mill, itatayo sa probinsiya ng North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ April 22, 2013) ---Isinagawa kaninang umaga ang ground breaking ng itatayong kauna-unahang New Palm Oil Crushing Mill sa Palm Oil Factory Site na nasa Brgy. Tacupan, Carmen, North Cotabato.

Nanguna sa nasabing ground breaking si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza kungsaan ang nasabing proyekto ay isang joint venture sa Univanich Palm Oil Public Company buhat sa bansang Thailand na dinaluhan mismo ng chairman na si Mr. Apirag Vanich.