(Kabacan, North Cotabato/ April 26, 2013)
---Tinapunan ng granada ng mga di pa nakilalang mga salarin ang bahay ni
Councilor George Manuel na nasa Luna St., Purok Masagana, Poblacion, Kabacan,
Cotabato alas 6:30 kagabi.
Sa eksklusibong interbyu ng DXVL
94.9 Radyo ng Bayan sa opisyal nagdulot ng pinsala sa pader at
balkonaye ng bahay nito ang sumabog na granada na inihagis sa mismong tahanan
nito.
Naging tensyunado naman ang lugar kagabi at
maging ang mga residente sa palibot ng bahay ni Manuel.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Kabacan
PNP mga di kilalang mga kalalakihan na lulan ng tricycle at motorcycle ang
nakita sa lugar bago maganap ang insedente.
Ayon sa konsehal, wala naman umano siya’ng
na-agrabyadong tao at pulitika lamang ang nakikita nitong dahilan kung bakit
tinapunan ng Granada ang kanilang bahay.
Nagpasalamat din ang opisyal sa Panginoon
dahil sa maswerteng walang may tinamaan ng splinter ng granada sa miyembro ng
kanyang pamilya.
Nanguna sa pag-imbestiga si PCInsp.
Jubernadine Panes sa nasabing insedente.
Ikinasa naman ng tropa ni PCInsp. Tirso
Pascual sa ilalim ng superbisyon ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP ang
dragnet operation sa posibleng ikadarakip ng suspek.
Nabatid na si Manuel ay nagpapare-elect
bilang konsehal sa ikalawang termino. (Rhoderick Beñez/DXVL News)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento