(Kabacan, North Cotabato/ April
23, 2013) ---Tumaas ng tatlong beses ang kaso ng dengue sa Kabacan ngayong
unang quarter ng taon kung ikukumpara sa kaparehong quarter noong nakaraang
taon.
Ito ang nabatid mula kay Disease
Surveillance and Health Emergency and Management Coordinator Honey Joy Cabellon
kungsaan umabot sa kabuuang 40 ang naitalang kaso ng nasabing sakit mula buwan
ng Enero hanggang Marso.
Ayon kay Cabellon, ang Poblacion
pa rin ang may pinakamataas na kaso ng dengue, sinundan ito ng mga brgy. ng
Osias, Lower Paatan, Kilagasan, Kayaga, Dagupan at Aringay.
Kaugnay nito, nababahala na si
Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu, Jr. kung kaya’t nais nitong
palakasin pa ng Education Information Campaign patungkol sa sakit na dengue.
Ilan sa mga posibleng dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue sa
lugar ay ang pagkakaroon ng breeding sites sa loob at labas ng mga bahay dahil
sa pabago-bagong panahon at paglalagay ng tubig sa mga walang takip na
lalagyan.
Nagpaalala naman ang DOH na sundin ang “4S” campaign ng ahensya
kontra dengue.
Samantala, bagama’t tumaas ang bilang ng nagkakasakit ng dengue
sa Kabacan walang namang may naiulat na namatay dahil sa sakit na ito.
Hinikayat naman ng RHU Kabacan ang publiko partikular na ang mga
brgy. opisyal at mga purok liders na magsagawa ng regular clean up drive
activities sa lugar. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento