(Kidapawan City/ April 23, 2013) ---Nagpalabas ng
30 warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) laban sa dating kawani ng Kidapawan
City na pinaniniwalaang dumispalko ng malaking halaga ng pera para sana sa
sahod at honoraria ng mga casuals at job order ng lungsod noong nakaraang Hunyo
2012.
Ayon kay Kidapawan City treasurer Elsa Palmones ang bawat warrant na pinalabas laban kay Darwin Loyola, ang dating disbursing officer ng city hall ang nagrerepresenta ng bawat payroll kabilang na ang mga nawalang pera.
Ang cover ng nasabing pay-roll ang June 16 hanggang June 30, 2012 na mga honoraria ng 2,500 na mga Barangay Peacekeeping Action Team members; 150 na mga magtuturo sa ilalim ng Special Education Fund; at 2,000 job order employees.
Inilbas ang nasabing warrant of arrest laban kay Loyola matapos itong kinasuhan ng city government noong nakaraang taon.
Maliban sa criminal charges, nahaharap din ito sa kasong administratibo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento