(Dumaguete City/ April 24, 2013) ---Tatlong
medalyang ginto na ang nakuha ng Cotabato Regional Athletic Associaton o CRAA
sa unang araw ng palarong pambansa 2013 na ginaganap ngayon sa Dumaguete city,
Negros Oriental, ang host na nasabing pinakamalaking sports event sa pilipinas.
Kinilala ang gold medalist na si Ron Pama ng General Santos city sa mens artistic gymnastics.
Kinilala ang gold medalist na si Ron Pama ng General Santos city sa mens artistic gymnastics.
Nakakuha rin ng gold medal ang high school athletes ng General Santos city na sina John Cabido at Jayladen Gisultura sa mens artistics gymnastics team event.
Samantala, silver medalist ang buong team ng mens artistics gymnastics sa unang araw ng palarong pambansa.
Nasungkit naman ng women artistics gymnastics secondary ang bronze medal sa over all game noong Lunes.
Naging mainit naman ang laban ng basketbal team ng Region 12 at ang powerhouse ng Calabarzon kahapon ng umaga sa Lamberto Macias Sports Center matapos na nilampaso ng region 12 ang koponan ng Region 10 o Northern Mindanao kahapon sa score na 121-68.
Sa iba pang balita, lubos namang inaasahan ng rehiyon ang ginto medalyang iuuwi ni Romnick Nur sa 100 meter dash matapos na nakuha nito ang best time sa ginawang trial kahapon.
Sa ngayong araw naman ang final event ng 100
meter dash. (Rhoderick Beñez, with reports from Ana Liz Cabrido)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento