(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2013)
---Abot sa 1,600 board feet na mga illegal na kahoy ang ipinamahagi sa isang
paaralan sa brgy Pedtad kamakalawa.
Ang turn-over ng mga kinumpiskang mga
illegal na troso ay pinangunahan ni Municipal Environment and Natural Resources
Officer Jerry Laoagan na isinagawa sa Kabacan Municipal Police Station.
Ang nasabing mga kahoy ay ipinamahagi sa
Madrasa, isang paaralan ngmga muslim sa brgy. Pedtad.
Apribado naman ni Kabacan Mayor George Tan
at ni OIC Cenro Ambulo Batugan ang nasabing hakbang.
Matatandaan na ang mga nabanggit na mga
illegal na kahoy ay nakumpiska sa Watershed Area sa Brg. Pisan.
Sa ngayon mas pinaigting pa ng MENRO-Kabacan
ang aknilang kampanya kontra illegal logging sa mga bulubunduking bahagi ng
Kabacan. (Rhoderick Beñez/DXVL News)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento