(Matalam, North Cotabato/ April 26, 2013)
---Mas lalala pa umano ang brown out sa mga service erya na sakop ng Cotabato
Electric Cooperative, Inc. o Cotelco sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ng
kasalukuyang taon.
Ito ang sinabi ni Cotelco General Manager
Godofredo Homez sa harap ng mga kasapi ng Multi-Sectoral Electrification
Advisory Council (MSEAC) at ng BAPA sa isinagawang conference kahapon ng umaga.
Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa sa
Atty. E.F. Tejada Hall, Cotelco Main Office, Manubuan, Matalam, Cotabato
kungsaan dinaluhan ito ng mahigit sa 200 mga kasapi ng organisasyon.
Ayon kay Homez, abot na lamang sa 8megawatts
ang ibibigay na kontrata ng NPC/ PSALM sa kooperatiba dahilan din kung bakit
aabot sa 8megawatts ang inaasahang kulang sa supply ng kuryente sa pagpasok ng buwan
ng Hunyo.
Pero sa kabila nito, may mga hakbang ng
ginagawa ang cotelco para maibsan kung di man tuluyang matuldukan ang krisis sa
enerhiya sa bahaging ito ng Mindanao.
Ito ay ang pagbili ng Modular Generation Set
ng kooperatiba na mag-gegenerate ng 4-5 megawatts na supply ng kuryente.
Ang nasabing hakbang ay inilatag ng
Department of Energy o DOE bilang short term solution sa krisis sa enerhiya na
kinakaharap ng Mindanao.
Sa nasabing programa, naging panauhing
tagapagsalita ang Representative na 1-CARE Partylist na si Hon. Edgardo
Masongsong. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento