(Dumaguete City/April
25, 2013) ---Abot na sa 17 ang kabuuang medalya ang nakuha ng Rehiyon 12 bago
pa man nagtapos ang ikalawang araw ng laro kahapon sa nagpapatuloy na Palarong
Pambansa 2013 sa Dumaguete city.
Ayon sa pinakahuling
report ng Regional Documentor’s team anim na mga gintong medalya na ang
nasungkit ng Rehiyon bukod pa sa limang silver at anim na mga bronze.
Nagmula sa dalawang
gintong medalya ng mens artistics gymnastics noong nakaraang araw nadagdagan ng
apat pa, ito dahil sa napanalunang archery at swimming event.
Kinilala ang mga bagong
gold medalists na sina Philip Dacera at Fritz Anos kapwa nagmumula sa General
Santos city ito sa larangan ng swimming; at si devie solitario ng archery.
Habang sa anim na mga bronze
medalists kabilang na dito si Kathy Rose Vilvar buhat sa lungsod ng Koronadal
para sa 30 meters archery at Kenneth Corpus kapwa mula sa South cotabato sa
400meters low hurdles.
Inaasahan pa na
madagdagan pa ang mga medalya na makukuha ng Rehiyon sa pagsimula ng ikatlong
araw ng palaro kungsaan gagawin naman ngayong araw ang ilang mga final event sa
larangan ng athletics, swimming, archery at gymnastics kung saan ito ang
malakas na pwersa ng delegasyon. (Rhoderick Beñez with reports from Ana Liz
Cabrido)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento