Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pinaniniwalaang grupo ng mga magnanakaw ng motorsiklo sa Cotabato-Davao province aktibo na naman raw – ayon sa PNP Kidapawan


(Kidapawan City/ April 23, 2013) ---Inalarma ngayon ng Kidapawan City PNP ang publiko partikular na ang mga motorista sa muling pananalakay ng mga motorcycle theft sa lungsod.

Ito ay matapos na sabay tangayon ng mga di-kilalang suspect ang dalawang motorsiklo sa Purok Guava, Apo Sandawa Road, Brgy. Poblacion ng Kidapawan City noong nakaraang Biyernes.


Ayon sa Kidapawan City PNP Traffic Section, nagpahinga lamang ng ilang buwan ang mga magnanakaw ng motorsiklo pero  muli na namang bumalik sa operasyon.

Isang malaking grupo umano na nag-o-operate sa North Cotabato at Davao del Sur ang kinabibilangan ng mga suspect na nagnanakaw ng motorsiklo sa lungsod ng Kidapawan, ayon pa sa PNP Kidapawan.

Kaugnay nito, nanawagan ang kapulisan sa mga motoristang ninakawan ng motorsiklo na agad makipag-ugnayan o makipagtulungan sa PNP.

Kailangan rin daw na mismong mga may-ari ng motorsiklo na rin ang magpatupad ng mga security measures laban sa mga magnanakaw.

Ilan sa lagi nang inirerekomenda ng PNP Kidapawan sa mga motorista ay ang paglalagay ng mga padlock, security alarm at iba pang safety gadget para di matangay ang kanilang mga sasakyan. 


0 comments:

Mag-post ng isang Komento