(Kidapawan city/ April 25, 2013) ---Dismayado
ngayon ang mga rubber farmer at tapper sa North Cotabato dahil sa mababang
presyo ng rubber cup lump sa merkado.
Ayon sa report naglalaro lang kasi ang presyo
nito sa P35-P36 kada kilo na para sa mga magsasaka ay mababa at hindi
makatarungang presyo.
Hindi tuloy maiwasan ng ilan sa kanilang
hanay na akusahan ang mga rubber buying stations na nagkukuntsabahan sa presyo
ng rubber.
Ayon pa sa rubber tappers, bilang
pangunahing produkto ng North Cotabato, dapat ay maging maayos ang presyuhan
nito sa merkado.
Una ng ipinahayag ng ilang mga buying
stations at rubber processor sa Makilala at Kidapawan City na maraming dapat
ikonsidera sa presyuhan ng rubber cup lumps.
Ilan daw rito ay ang kalidad ng ibinebentang cump lump ganundin
ang volume ng available supply sa merkado. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento