(Kabacan, North
Cotabato/ April 26, 2013) ---Dumating noong Martes sa LGU Kabacan ang ilang mga
election paraphernalia’s.
Ito ayon kay
Municipal Treasurer Precy Quiñones sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan.
Aniya ang nasabing mga
gamit sa election ay kanilang kinuha sa Provincial Comelec ng North Cotabato sa
Amas, Kidapawan City.
Kabilang sa mga
dumating ay ang balota, folders, envelop, ball pen at lahat ng mga ginagamit sa
halalan maliban lamang sa PCOS Machine ng Smartmatic.
Sa ngayon sinabi pa
ng opisyal na nakalagak ang lahat ng gamit sa election sa kanyang opisina
kungsaan 24-oras itong binabantayan ng mga pulisya.
Anumang araw simula
ngayon ay ipepresenta nito sa mga Board of Election Inspectors o BEIs ang
nasabing gamit, ito ay kung may hudyat na buhat sa comelec Kabacan.
Sinabi ng opisyal na
ang nasabing mga gamit ay kanilang idedeliver sa mga pagdadausan ng halalan
ilang araw bago ang botohan. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento