(Kabacan, North
Cotabato/ April 27, 2013) ---Abot sa 117 mga kabataan ang naging benepisyaryo
ng “operation tuli” sa ilang mga piling brgy ng Kabacan ngayong summer.
Ito ang
nabatid mula kay Municipal Disease Surveillance
Officer Honey Joy Cabellon kungsaan isinagawa ang nasabing aktibidad ng Rural
Health Unit ng Kabacan sa mga brgy ng Pisan, Bangilan at Dagupan.
Ang nasabing operation tuli sa mga kabataan ay nakatakda ring
gagawin sa April 30 sa brgy. Buluan kungsaan hinihikaya’t nila ang mga kabataan
na sumailalim sa nasabing circumcision.
Kaugnay nito, magiging sponsor naman ang Kabacan Water
District sa nasabing aktibidad ng RHU sa tatlong mga brgy na isasagawa pa
angnasabing operasyon.
Gagawin sa Brgy. Banawag ang libreng tuli sa May 3, Brgy.
Katidtuan sa May 10 at Brgy. Poblacion sa May 17.
Ayon sa pagsusuri, ang pagtutuli ay nakababawas ng tsansa na
magka-kanser sa ari.
Mas hindi rin tinatamaan ng HIV-AIDS ang mga lalaking tuli. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento