Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Provincial Government ng North Cotabato; nananawagan na sa agarang pagkakalaya ng kinidnap ng miyembro ng PNP Arakan


(Kidapawan City/ April 23, 2013) ---Ginagawa na ng North Cotabato Provincial Government ang lahat ng paraan para marekober ng buhay ang dinukot na PNP Arakan member na si PO3 Maula Ali.

Ayon kay North Cotabato Governor Emylou Talinio-Mendoza, kumikilos ang PNP North Cotabato para matiyak kung sino ang mga dumukot kay PO3 Ali at kung saan ito dinala.


Maingat din raw sa pagbibigay ng impormasyon ang PNP North Cotabato patungkol sa abduction ng naturang pulis para maiwasan ang mga maling impormasyon.

Hindi pa rin daw naglalabas ng anumang pahayag ang New People’s Army o NPA na itinuturong nasa likod ng pagdukot kay PO3 Ali.

Kaugnay nito, nanawagan si Gov. Mendoza sa publiko partikular sa mga may nalalaman sa pagdukot sa pulis na makipag-ugnayan sa otoridad.

Umapela rin ang gobernadora sa lahat na panatilihin ang kapayapaan lalo na ngayong panahon ng halalan. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento