Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kaso ng VAWC sa Kidapawan, tumaas

(Kidapawan City/ November 29, 2013) ---Ikinababahala ngayon ng mga otoridad ang tumataas na kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan sa Kidapawan City.

Batay sa pinakahuling report ng Women’s Children Protection Desk ng Kidapawan City PNP abot sa 34 ang kaso hinggil sa VAWC ang naitala nitong nakaraang buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Ayon kay WCPD head PSI Lou Melocotones mas maatas ang nasabing bilang kung ihahambing sa buwan ng Setyembre na 24 ang naitalang kaso nito.

500 bags ng mga salt Fertilizer, ipapamahagi sa mga magsasaka sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 29, 2013) ---Abot sa 500 bags ng mga salt fertilizer ang nakatakdang ipamahagi sa mga magsasaka ng Kabacan sa darating na Huwebes (November 28, 2013).

Ito ayon kay Agricultural Technologist and Report Officer Tessie Nidoy ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan.

Pansamantalang nakalagak ngayon ang nasabing abono sa Municipal Gym na tumitimbang ng 50 kilo ang bawat sako.

Kaso ng HIV/AIDS sa Kabacan, binabantayan!

(November 29, 2013) ---Bagama’t walang naitalang kaso ng HIV/AIDS ang Rural Health Unit ng Kabacan, patuloy ngayon ang kanilang monitoring sa nasabing sakit.

Ito ayon kay HIV/AIDS Coordinator Ruth Pasion ng Kabacan Rural Health Unit.

Aniya, limang mga sex workers sa Kabacan ang regular na nag-papa-check up sa kanila.

Mindanao Week of Peace, magsisimula na bukas

(November 28, 2013) ---Pormal ng magsisimula bukas (November 26, 2013) ang Mindanao Week of Peace sa bayan ng Kabacan.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng K5: Kilusan tungo sa Kapayapaan, Kalinisan at Kaunlaran ng Kabacan.

Quarry Operation ng Kidapawan City LGU, aarangkada na!

(November 29, 2013) ---Kung maipapasa na sa huli at pinal na pagbasa, tiyak aniyang aarangkada na ang Quarry Operation ng city LGU ng Kidapawan sa Baranagay San Roque.

Ito matapos na maisalang na sa ikalawang pagbasa kanina (November 28, 2013) sa regular na session ng Sanggnuniang Panlungsod ang resolusyon 13-353 na naglalayong ilalarga ang quarry site ng sand and gravel para sa gagawing imprastraktura ng lungsod.

Militar vs. armed group; 1 todas, 1 sugatan

(Pikit, North Cotabato/ November 28, 2013) --- Isa ang napaslang sa isinagawang operasyon ng mga otoridad kontra sa notoryos na pugante sa Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato ala 1:00 ngayong hapon lamang (November 26, 2013).

Ayon kay PCInsp. Joefrey Todeno, hepe ng Pikit PNP nagsasagawa sila ng pinagsanib na operasyon sa lugar para matunton ang puganteng si Datukan Samad na mas kilala sa tawag na  Kumander “Lastikman”.

Pag-sumite ng statement ng mga ginasta ng mga kumandidato sa nakaraang halalan hanggang bukas na lamang –Comelec Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 28, 2013) ---Nagpaalala ngayon ang Comelec Kabacan sa lahat ng mga tumakbo sa katatapos na barangay halalan nanalo man o natalao na hanggang bukas na lamang Nobyenmbre a-27 ang huling araw ng submission ng Statement of Contributions and Expenditures.

Ito ayon kay Kabacan comelec election Officer Gideon Falcis kungsaan 10% pa lamang ang naka-submit ng nasabing dokumento sa kanilang tanggapan ng mga di pinalad na kandidato habang 80% naman ang naka-file na ng kanilang mga ginastos sa nakaraang halalang pambarangay.

46-anyos, panibagong biktima ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 28, 2013) ---Sugatan ang isang 46-anyos na si Filipinas Dayuan matapos pagbabarilin ng tatlong mga di pa nakilalang suspek sa may bahagi ng Bonifacio St., Kabacan, Cotabato alas 4:00 kamakalawa.

Ang biktima ay residente Brgy. Lower Paatan ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Cotabato Police Provincial Office, papunta umano ang biktima sa simbahan sakay sa kanyang motorsiklo na bigla na lamang hinarangan ng tatlongmga suspek at walang abu-abong pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistol.

Isa sa malayong barangay ng Kabacan, mabibigyan na ng malinis na tubig maiinum

(November 27, 2013) ---Sa pamamagitan ng “Sagana at Ligtas na Tubig” o SALINTUBIG Program ay mabibigyan na ng malinis na tubig maiinum ang mga residente ng brgy ng Tamped.

Ito ang sinabi ni Engr. Noel Agor ng Engineering Office ng LGU Kabacan kungsaan abot sa mahigit sa P2Milyong piso ang pondo na nakalaan sa nasabing proyekto.

Off Limits ng Kidapawan, wagi sa NUJP Hip-hop Dance for a Cause: Season 1

(Kidapawan City/ November 27, 2013) ---Naiuwi ng Off Limits mula sa Kidapawan City ang P10,000 cash na panalo bilang 1st Place sa katatapos na Hip-hop Dance for a cause ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP na ginanap sa Kidapawan City noong Sabado (November 23, 2013).

Nakuha naman ng Prime Soul entry ng Pres. Roxas ang 2nd Place kungsaan nakatanggap ang grupo ng P5,000.00 habang P3,000 naman ang nakuha ng Posma dancers buhat sa bayan ng Midsayap.

Crimes against Property mataas pa rin sa Pikit, NCot

(Pikit, North Cotabato/ November 26, 2013) ---Patuloy ang paglobo ngayon ng krimen na may kaugnayan sa hold-up at agaw motorsiklo o crimes against property sa Pikit, North Cotabato.

Ito na nabatid sa pinakahuling data na inilabas ng Cotabato Provincial Police Office.

Oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng Barangay sa Kabacan, gagawin ngayong umaga

(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2013) ---Isasagawa ngayong araw (November 25, 2013) ang oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng 24 na mga barangay sa Kabacan na gagawin sa Municipal gymnasium alas 8:30 ng umaga.

Manumpa ang mga bagong opisyales kay Municipal Interior and Local Government Officer Aurelio Pulido, Jr. ang bagong MILGOO ng Kabacan.

Half rice sa mga kainan sa Kidapawan City; isinusulong ng isang lokal na mambabatas

(Kidapawan City/ November 25, 2013) ---Maari na umanong humiling ng half rice sa mga kainan sa Kidapawan city, ito kung maipapasa na ang ordinance number 13-706 sa Sangguniang Panglungsod.

Ang nasabing ordinansa ay ipinanukala ni City Councilor Alan Amador sa layuning maiwasan ang pag-aaksaya ng bigas o kanin at bilang paggunita na rin sa taong 2013 bilang National Year of Rice.

OWWA-ARMM sa Publiko: mag-ingat sa illegal recruiter

(ARMM/ November 25, 2013) ---Pina-iingat ngayon ng Overseas Workers' Welfare Administration o OWWA-ARMM ang publiko labansa mga ahente ng mga recruitment agency na kumukuha ng mga nais magtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay OWWA-ARMM OIC Habib Malik hinikayat nito ang publiko na dapat ay kilatising mabuti kung ang recruiter ay lehitimong myembro ng isang legal na recruitment agency bago pumayag sa alok na trabaho sa ibang bansa.

NHCP pabor sa pagsasaayos ng national historical structure sa Libungan, North Cotabato

(Libungan, North Cotabato/ November 24, 2013) ---Naglabas kamakailan ng rekomendasyon ang National Historical Commission of the Philippines o NHCP tungkol sa planong kumpunihin ang Libungan Bridge I na isang ‘national historical structure.’

Base sa sulat na ipinadala ni NHCP Chairperson Maria Serena Diokno, pabor ang ahensya na palitan ang materyales na ginamit sa tulay dahil na rin sa kalumaan nito.

Carmen, NCot at Tagbilaran City, inuga ng lindol

(Carmen, North Cotabato/ November 24, 2013) ---Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Carmen, Cotabato alas-9:45 ng umaga kahapon (November 21).

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naka-sentro ang pagyanig sa layong 11 kilometro hilagang-kanluran ng Carmen at may lalim itong 1 kilometro.

Imbestigasyon sa nasunog na Public Market ng Pikit, nagpapatuloy!

(Pikit, North Cotabato/ November 24, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad upang mabatid kung ano ang tunay na pinagmulan ng sunog na tumupok sa abot sa limang milyong pisong gusali at ari-arian ng Pikit Public Market

Ito ang inihayag ni Cotabato Provincial Police Director Senior Supt. Danilo Peralta para mapanagot sa batas ang mga responsable sa nasabing krimen.

Toll fee sa isang tulay sa Carmen, North Cotabato; itinanggi

(Carmen, North Cotabato/ November 24, 2013) ---Itinanggi ng isang barangay opisyal ang diumano’y pangongolekta nila ng toll fee sa mga sasakyang dumadaan sa Upian Bridge ng Barangay Kibudtungan, Carmen, North Cotabato.

Ito ang paliwanag ni Barangay Kagawad Jaime Cellabo matapos mabalitang mayroong toll fee collection sa mga sasakyang dumadaan sa Carmen-Bukidnon highway bago makatawid sa Upian Bridge na nasira ng lindol.

DepEd teacher, inireklamo sa pulisya matapos manapak ng kawani ng LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2013) ---Dumulog sa himpilan ng Kabacan PNP ang isang empleyado ng LGU Kabacan, ito para ireklamo ang ginawang pananapak at pagsabunot sa kanya ng isang guro.

Kinilala ang guro na si Sahida Kaup na di umano’y nanapak at nanabunot ng isang walang kalaban-laban na kawani ng LGU sa loob pa mismo ng isang malaking grocery store sa Kabacan noong hapon ng Miyerkules (November 20, 2013).