Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Crimes against Property mataas pa rin sa Pikit, NCot

(Pikit, North Cotabato/ November 26, 2013) ---Patuloy ang paglobo ngayon ng krimen na may kaugnayan sa hold-up at agaw motorsiklo o crimes against property sa Pikit, North Cotabato.

Ito na nabatid sa pinakahuling data na inilabas ng Cotabato Provincial Police Office.


Kaugnay nito sinabi ni Cotabato Provincial Police Office Director Senior Supt. Danilo Peralta na hinihingi na nito ang tulong ng hukbong sandatahang lakas ng Pilipinas.

Ayon kay Peralta, ito dahil na rin sa kakulangan ng pulis sa probinsya.

Sa kabila nito, ipinagmalaki ni Peralta na may ilang barangay na sa Pikit ang nagiging vigilante na ang mga tao sa mga pangyayari sa paligid at nagpapakita ng nakahandang makipagtulungan sa mga otoridad.

Gayunpaman, nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga ito sa mga kriminalidad sa bayan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento