(Kidapawan City/ November 29, 2013) ---Ikinababahala ngayon ng mga otoridad ang tumataas na kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan sa Kidapawan City.
Batay sa pinakahuling report ng Women’s Children Protection Desk ng Kidapawan City PNP abot sa 34 ang kaso hinggil sa VAWC ang naitala nitong nakaraang buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.
Ayon kay WCPD head PSI Lou Melocotones mas maatas ang nasabing bilang kung ihahambing sa buwan ng Setyembre na 24 ang naitalang kaso nito.
Karamihan umano dito ay pang-aabuso sa mga asawang babae, pambubugbog at pananakit ng mister sa misis.
Kaugnay nito, magsasagawa naman ng kampanya ang sektor ng kababaihan hinggil sa lumalalang kaso ng pang-aabuso sa lungsod.
Ang nasabing programa ay magtatagal ng 18 araw kungsaan nagsimula na ito noong Nob 25, 2013 at magtatapos sa Dec 12, 2013 na pinangunahan ng Philippine Commission on women at ang Global Unite to VAWC campaign.
Layon nito na palawakin pa ang karapatan ng bawat kababaihan at mawala sa tanikala ng pang-aabuso ng kanilang kasambahay.
Bukod ditto, ipapaliwanag din sa kanila ang kanilang karapatang mamuhay ng tahimik at mabigyan ng tamang pag-aruga.
Ang R.A. 9262 o Anti-violence against women and children act ay ang sadyang pagpapakita ng pananakit o pag-abusong pisikal, sekswal o psychological.
Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ang nagpapakita ng pang-aabuso ay may intensiyon na magdulot ng takot sa mga miyembro ng pamilya at mag-aalinlangan ang sinumang may plano na sumalungat sa kagustuhan ng nanakit. Rhoderick Beñez with report from Krezel Dianne Sampani
DXVL Staff
...
Kaso ng VAWC sa Kidapawan, tumaas
Biyernes, Nobyembre 29, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento