(Carmen, North Cotabato/ November 24, 2013)
---Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Carmen, Cotabato alas-9:45 ng umaga
kahapon (November 21).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology
and Seismology (Phivolcs), naka-sentro ang pagyanig sa layong 11 kilometro
hilagang-kanluran ng Carmen at may lalim itong 1 kilometro.
Naitala ang intensity II sa mismong bayan ng
Carmen.
Wala namang naitalang pinsala kasunod ng
pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.
Samantala una na ring niyanig ang Tagbilaran
City ng 4.5 magnitude na lindol alas 5:37 kaninang umaga.
May lalim na 13 kilometro ang nasabing
pagyanig.
Kapwa tectonic ang pinagmulan ng nasabing
pagyanig. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento