Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mindanao Week of Peace, magsisimula na bukas

(November 28, 2013) ---Pormal ng magsisimula bukas (November 26, 2013) ang Mindanao Week of Peace sa bayan ng Kabacan.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng K5: Kilusan tungo sa Kapayapaan, Kalinisan at Kaunlaran ng Kabacan.

Ayon kay K-5 Animator at NDKI Directress Sr. Teresa Rose Salazar, OND na iba’t-ibang sektor, grupo at oranisasyon at ilan pang mga paaralan sa North Cotabato ang kasapi ng K5 layon ay ipabatid ang totoong katahimikan at kapayapaan sa bahaging ito ng Mindanao.

Ang programa ay gagawin bukas sa Municipal gymnasium sa pamamagitan ng Walk for a Peace alas 6:15 ng umaga.

Magiging panauhing pandangal sa nasabing programa si United Youth for Peace and Development Deputy Secretary Datuan Magon, MA at Bantay Security Network General and National Coordinator.

Tema ng Mindanao Week of Peace ngayong taon ay: Dialogue and Hope: Keys to Peace. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento