(November 29, 2013) ---Bagama’t walang naitalang kaso ng HIV/AIDS ang Rural Health Unit ng Kabacan, patuloy ngayon ang kanilang monitoring sa nasabing sakit.
Ito ayon kay HIV/AIDS Coordinator Ruth Pasion ng Kabacan Rural Health Unit.
Aniya, limang mga sex workers sa Kabacan ang regular na nag-papa-check up sa kanila.
Pero sa nakalipas na saturation drive nila abot sa 45 ang mga sex worker ang naitatala nila na nag-tatrabaho sa mga bahay aliwan sa bayan.
Aniya, matagal na rin umanong di nagsasagawa ng nasabing raid ang MSWDO at PNP Kabacan kaagapay ang Rural Health Unit kaya di na ito na monitor sa kasalukuyan.
Kaugnay nito, dalawa naman ang kaso ng Gonorrhea ang naitala sa kanilang tanggapan, nitong nakalipas na dalawang linggo. Rhoderick Beñez
DXVL Staff
...
Kaso ng HIV/AIDS sa Kabacan, binabantayan!
Huwebes, Nobyembre 28, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento