Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

NHCP pabor sa pagsasaayos ng national historical structure sa Libungan, North Cotabato

(Libungan, North Cotabato/ November 24, 2013) ---Naglabas kamakailan ng rekomendasyon ang National Historical Commission of the Philippines o NHCP tungkol sa planong kumpunihin ang Libungan Bridge I na isang ‘national historical structure.’

Base sa sulat na ipinadala ni NHCP Chairperson Maria Serena Diokno, pabor ang ahensya na palitan ang materyales na ginamit sa tulay dahil na rin sa kalumaan nito.


Maliban umano sa hindi nila pagtutol sa proposed reconstruction, iminungkahi naman ng NHCP na kailangang pareho ang ‘configuration’ na maipapatupad at magamit ang ‘reusable components’ ng nasabing istruktura.

Partikular na rito ang metal plates na ginamit ng United States Steel Export Company noong taong 1949 sa pagtatayo ng nabanggit na tulay.

Samantala, nagagalak naman ang pamunuan ng DPWH Cotabato 2nd Engineering District office, Lokal na Pamahalaan ng Libungan at tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan sa mabilis na pag-ayon ng NHCP tungkol sa rekonstruksyon ng tulay.

Ang Libungan Bridge I ay nasa kahabaan ng Davao-Cotabato National Arterial Highway at isinara noong 1998 dahil sa kalumaan at banta ng aksidente. Roderick Bautista


0 comments:

Mag-post ng isang Komento