Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Imbestigasyon sa nasunog na Public Market ng Pikit, nagpapatuloy!

(Pikit, North Cotabato/ November 24, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad upang mabatid kung ano ang tunay na pinagmulan ng sunog na tumupok sa abot sa limang milyong pisong gusali at ari-arian ng Pikit Public Market

Ito ang inihayag ni Cotabato Provincial Police Director Senior Supt. Danilo Peralta para mapanagot sa batas ang mga responsable sa nasabing krimen.


Kaugnay  nito,  pinaghahandaan na ngayon ng Pikit LGU ang pagtatayo ng bagong public market matapos itong masunog ilang lingo na ang nakakaraan.

Sinabi ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer Tahira Kalantongan na pangunahing layunin ng hakbang na maibalik ang sigla ng ekonomiya sa Pikit partikular na sa palengke.

Maliban sa pagtatayo ng panibagong gusali ng public market ay maglalatag rin ng security measures ang mga otoridad upang masigurong ligtas ang merkado publiko.

Sa ngayon ay pansamantalang tumigil sa pagtitinda ang mga may-ari ng mga nasunog na stalls habang hinihintay ang konstrusyon ng kanilang mga puwesto. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento