(November 29, 2013) ---Kung maipapasa na sa huli
at pinal na pagbasa, tiyak aniyang aarangkada na ang Quarry Operation ng city
LGU ng Kidapawan sa Baranagay San Roque.
Ito matapos na maisalang na sa ikalawang
pagbasa kanina (November 28, 2013) sa regular na session ng Sanggnuniang
Panlungsod ang resolusyon 13-353 na naglalayong ilalarga ang quarry site ng
sand and gravel para sa gagawing imprastraktura ng lungsod.
Ang nasabing panukala ay inihain ni
councilor Peter Salac, ang may hawak ng committee on Infrastructure at
sinang-ayunan naman ng mga lokal na mambabatas.
Aniya malaking tulong ito para mabawasan ang
gastusin ng lungsod sa sand and gravel na pangunahing sangkap sa pagpapatayo ng
mga infrastructure project ng lungsod.
Umaasa naman si Salac na lulusot na sa
susunod na pagbasa ang nasabing resolusyon, para maipatupad na sa lalong madaling
panahon.
Bukod sa nasabing panukala, karamihan naman
sa mga resolusyon at mga urgent matters na tinalakay sa Sanggunian ay pasado.
Bagama’t may ilang mga konsehal na lumiban
sa nasabing session kanina, naging korum naman ang SP. . Rhoderick
Beñez with report from Krezel Dianne Sampani
0 comments:
Mag-post ng isang Komento