Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P50M Bagong Bahay Pamahalaan ng Tulunan, pinasinayaan!

(Tulunan, North Cotabato/ November 23, 2013) ---Pinasinayaan na ang bagong P50Milyong pisong Bahay Pamahalaan ng Tulunan, North Cotabato kahapon.

Mismong si Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza ang nanguna sa pagpapasinaya ng nasabing gusali kasabay ng pagdiriwang ng ika-52 taong anibersaryo ng bayan ng Tulunan.

Opisyal ng Peace Zone sa Tulunan, NCot; pinulong!

(Tulunan, North Cotabato/ November 23, 2013) ---Nais ng mga opisyal na sakop ng Peace Zone sa Tulunan, North Cotabato na panatilihin ang kapayapaan sa lugar.

Ito sa pamamagitan ng pagpupulong sa mga lider ng Bituan Peace Zone Council sa layuning mapatatag pa ang kapayapaan at katahimikan sa lugar.

Lalaki patay matapos mabangga ng motorsiklo

(Matalam, North Cotabato/ November 23, 2013) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 36-anyos na lalaki matapos na aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo sa Matalam North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Ricardo Loquias,residente ng Poblacion Matalam,Cotabato.

Bagong Panganak na Sanggol, natagpuan sa isang CR sa Datu Montawal, Maguindanao

(Datu Montawal, Maguindanao/ November 23, 2013) ---Isang bagong panganak na sanggol ang iniwan sa palikuran ng isangbahay malapit sa National Highway ng barangay Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao alas 8:00 kamakalawa.

Ang nasabing sanggol ayon sa report ni DXVL News Correspondent Nhor Gayak ay nakita ng isang Ginang na kinilalang si Junaiza Quinunez, 57 at residente ng nabanggit na lugar.

Taunang Sports event ng Kidapawan Deped, Isinagawa

(Kidapawan City/ November 23, 2013) ---Laksa-laksang mga mag-aaral mula sa Kidapawan ang sumali sa taunang Athletic Meet na isinasagawa ngayon sa Kidapawan City Pilot School na nagsimula (November 19) at magtatapos ngayong Biyernes Nob. 22.

Ayon kay General Tournament Manager Eliezer Elman ang paligsahan sa iba’t-ibang mga sports event ay nagsimula kahapon ng umaga matapos ang isinagawang Grand opening program.

Mga kabataang Midsayapeá¹…o nakiisa sa blood donation activity

(Midsayap, North Cotabato/ November 23, 2013) ---Ginanap kamakailan ang isang mobile blood donation activity sa i-Link College of Science and Technology o i-Link CST sa Midsayap, North Cotabato.

Pinangunahan ito ng Philippine Red Cross-Cotabato City Chapter kaagapay ang tanggapan ni 1st District Rep. Jesus Sacdalan.

Aktibong lumahok ang mga mag-aaral ng i-Link CST partikular ang mga kabataang kumukuha ng BS Criminology kung saan abot sa 39 na bags of blood ang nalikom.

Ilang mga kamag-anak ng biktima ng Maguindanao Massacre, sinusubukang suhulan

(Maguindanao/ November 22, 2013) ---Inihayag ng isa sa mga abogado ng mga naulila sa Maguindanao massacre na hanggang sa ngayon ay sinusubukan pa ring suhulan ang mga kaanak ng mga biktima.

Sinabi ni Atty. Prima Quinsayas, abogado ng mga naulila ng 17 sa mga biktima ng massacre, ilang beses nang sinubukang suhulan ng mga akusado ang kanyang mga kliyente mula pa noong taong 2010.

Search and rescue operation sa dinukot na Indian National, pinangunahan ng militar

(Parang Maguindanao/ November 22, 2013) ---Patuloy ang ginawagang search and rescue operation ng Philippine Army's 6th Infatnry Division o 6ID para alamin ang kinaroroonan ng dinukot na negosyanteng Indian National sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao.

Inihayag ni 6ID spokesperson Col. Dickson Hermoso, tinutulungan na nila ang pulisya sa search and rescue operations para kay Krishan Singh Arora, 54 anyos at inaalam na rin kung sino ang nasa likod ng pagdukot.

Mindanao Wide Coffee Congress, pinaghahandaan na ng DA-12

(Koronadal city/ November 22, 2013) ---Isasagawa ang Mindanao Wide Coffee Congress sa lungsod ng Heneral Santos sa Nobyembre a-26 hanggang 27, 2013.

Ayon kay DA-12 Regional Director Amalia Jayag Datukan layon nito na palakasin ang produksiyon at kita ng mga maliliit na magsasaka ng kape hindi lamang sa rehiyon dose bagkus sa buong Mindanao.

Sinabi na Datukan na ang rehiyon dose ang nangungunang producers ng kape sa buong bansa.

PCA tinukoy ang mga programang ipatutupad nito sa PPALMA para sa susunod na taon

(Midsayap, North Cotabato/ November 21, 2013) ---Inihayag ni Philippine Coconut Authority o PCA 12 Regional Director Tommy Jalos ang  mga programang ipatutupad ng ahensya sa susunod na taon.

Ginawa ito ng opisyal sa isang dayalogo na ginanap kamakailan sa Kapayapaan Hall sa bayan ng Midsayap na dinaluhan ng mga kasapi ng small coconut farmers organizations o SCFO at mga kooperatiba sa unang distrito ng North Cotabato.

USM- B’dadali Dance Troupe panalo sa 8th Cotabato Annual Dance Festival

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2013) ---Panalo ang USM B’dadali Dance Troupe sa rural folkdance category ng 8th Cotabato Annual Dance Festival na ginanap sa Midsayap, North Cotabato nitong nakaraang Sabado ng gabi, a-17 ng Nobyembre.

Kalakip ng kanilang pagkakapanalo ay ang tsekeng nagkakahalaga ng P10, 000.

Pinabilib ng USM- B’dadali ang mga hurado at mga manonood sa mahusay na interpretasyon nila ng Ilocano occupational dance na ‘Oasioas’.

Rescuer, patay sa isinagawang retrieval operations sa gumuhong tunnel sa Magpet, North Cotabato

(November 21, 2013) ---Nagbuwis ng buhay ang isang rescuer matapos na ma-suffocate sa ginawang retrieval operation sa 70-talampakang lalim ng tunnel sa bayan ng Magpet, North Cotabato nitong linggo.

Kinilala ang nasawi na si Boy Alboro, residente ng Barangay Balite ng nasabing lugar.

Ayon sa report posibleng nakalanghap ang biktima ng mataas na uri ng toxic gas sa ilalim ng tunnel na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Estudyante ng USM, panibagong biktima ng motorcycle theft

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2013) ---Tinangay ng di pa nakilalang magnanakaw ang isang motorsiklo na pag-mamay-ari ng isang estudyante ng USM ng iparada nito sa gilid ng RSTC Building, USM Compound, Kabacan mag-aalas 6:00 kagabi (November 18, 2013).

Ayon kay Arjay Panilo, may ari ng kulay asul na Honda Motor Wave na may plakang MV 5574 at residente ng Poblacion ng bayang ito, nangyari umano ang insedente kasagsagan ng brown-out kagabi.

Estudyante ng USM, sugatan matapos mahold-up

(Kabacan, North cotabato/ November 20, 2013) ---Sugatan ang isang BS Criminology Student ng University of Southern Mindanao matapos na manlaban sa mga suspek ng ma-hold-up ito sa may crossing ng Matalam St., at Diego Silang, Poblacion, Kabacan alas 8:30 kagabi (November 18, 2013).

Sa report na nakalap ng DXVL News kinilala ang biktima sa pangalan Jerald Almario, residente ng Pikit, North Cotabato at pansamantalang nanunuluyan sa Charm Boarding House na nasa Guiang St.

USM, ginawaran ng parangal bilang “Best universities and colleges in the country producing vermicast and vermitea”

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2013) ---Ginawaran ang University of Southern Mindanao bilang “best Universities and Colleges in the country producing vermicast and vermitea” na isinagawa sa Bureau of Soil and Water Management sa Diliman, Quezon City kahapon (November 18, 2013).


Mismong si USM Vermi Composting Facility Focal Person Dr. Josephine Migalbin ang tumanggap ng parangal bilang pagkilala sa malaking papel na ginagampanan ng Pamantasan sa pagtaguyod ng organic fertilizer sa bansa.

1 Patay sa Robbery hold-up sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ November 19, 2013) ---Napaslang ang isang negosyante matapos na mabaril makaraang manlaban ito sa mga hold-aper sa nangyaring shooting incident sa Public Market ng Pikit, North Cotabato pasado alas 5:00 kahapon (November 17, 2013).

Kinilala ni PCInsp. Joefrey Todeño, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Limbas Maguindiga, 31-anyos, may-asawa at residente ng Sitio Lamak, Poblacion, Pikit.

P350K nalimas sa isang ahente ng rubber cup lump sa Carmen, North Cotabato; suspek, patuloy na tinutugis

(Carmen, North Cotabato/ November 19, 2013) ---Patuloy na tinutugis ngayon ng Carmen PNP ang mga suspek na responsable sa panghohold-up sa isang ahente ng goma sa Purok 7, Poblacion, Carmen, North Cotabato nitong Huwebes (November 14, 2013)  ng umaga.

Ayon sa report ng Carmen PNP abot sa P350,000 ang natangay ng mga hold-aper kay Rex Gillardo, 40-anyos at residente ng nasabing bayan.

3 mga menor de edad na biktima ng pamamaril sa Carmen, North Cotabato; patuloy na nagpapagaling sa ospital

(Carmen, North Cotabato/ November 19, 2013) ---Patuloy ngayong nilalapatan ng lunas ang tatlong mga menor de edad na tinamaan ng ligaw na bala sa nangyaring shooting incident sa Carmen, North Cotabato noong Biyernes ng hapon (November 15, 2013).

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina: Nor-ain Ebrahim, 15 residente ng Sitio Quary Poblacion, Carmen; Johanbri Tugas, 9 residente ng Sitio Tawan-tawan at Johani Malao, 10 residente din ng nasabing bayan.

DepEd Cotabato, nakiisa sa panawagan ng tulong sa mga nabiktima ng bagyo sa kabisayaan

(Amas, Kidapawan City/ November 19, 2013) ---Nakiisa rin ang Cotabato School’s Division sa panawagan ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Central Visayas.

Sinabi ni School’s Division Superintendent Omar Obas, ngayon higit kailanman ay kailangan ng mga biktima ng bagyo ang tulong.

P100K, inilabas ng LGU Kabacan, para sa mga survivor ng Bagyong Yolanda

(Kidapawan City/ November 19, 2013) ---Aprubado na sa Sangguniang Bayan ng Kabacan kahapon (November 14, 2013) ang pagpapalabas ng P100, 000.00 ng LGU para pantulong sa mga survivor ng sinalanta ng Bagyong Yolanda sa kabisayaan.

Ang pondo ay inaasahang ilalabas ni Mayor Herlo Guzman, Jr. ngayong araw (November 15, 2013).

Construction Crew ng Cotelco, ipapadala sa Kabisayaan

(Kidapawan City/ November 18, 2013) ---Nakatakdang magpadala ng mga construction crew ang Cotabato Electric Cooperative, Inc. o cotelco para tumulong sa pagsasaayos ng mga napinsalang linya ng kuryente sa kabisayaan.

Ito matapos na aprubahan kahapon (November 14, 2013) sa Sanggunian ang resolusyong humihiling kay Cotelco Gen. Manager Engr. Godofredo Homez na magpapadala ng nasabing tulong.

25-anyos, binulagta sa onsehan

(Kidapawan city/ November 18, 2013) ---Pinaniniwalaang onsehan sa illegal na gawain ang itinuturong dahilan kung bakit napatay ang isang 25-anyos na lalaki makaraang ratratin ng mga riding in tandem assassins sa Block 8, Lot 12, Apo Sandawa Phase 3 sa Kidapawan city alas 6:10 kagabi (November 13, 2013).

Kinilala ni Superintendent Noel Kinazo ang deputy director for operations ng Cotabato Provincial Police Office, ang biktima na si Mark Richard Blam.

Mga tsinelas at school supplies, ipinamahagi sa kabila ng malakas na ulan sa Makilala, North Cotabao

(Makilala, North Cotabato/ November 17, 2013) ---Naging matagumpay ang isinagawang libreng distribution ng mga school supplies at tsinelas sa tatlong elementary school ng Makilala, North Cot kamakalawa.

Ito ang masayang ibinalita ni Makilala est District Supervisor Renato Corre.

P3M diumano’y ramsom sa pagkakalaya ng Mall Owner na Indian National na dinukot sa Cotabato City

(Cotabato city/ November 18, 2013) ---Napalaya na ang Indian National na may ari ng Sugni Super Store sa Cotabato City, Kabacan at Kidapawan City na dinukot sa Cotabato City at na-irelease ng kanyang mga abductor alas 7:30 nitong Sabado.

Pinalaya ang biktima na si Mike Khemani sa isang liblib na barangay sa may hanganan ng Kabuntalan at Datu Piang Maguindanao.

Cotabato PDRRMC, tumungo na ng Ormoc City, para maghatid ng relief goods sa mga sinalanta ng Bayong Yolanda

(Amas, Kidapawan City/ November 18, 2013) ---Tumungo na kahapon ang team ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council  (PDRRMC)  sa Ormoc City sa lalawigan ng Leyte, isa mga lugar na matinding hinagupit ng super typhoon Yolanda na nanalasa sa bansa noong Nov. 8.

Ayon kay Cot PDRRMC Head Cynthia Ortega, Ang team ay binubuo ng mga employee-volunteers ng Cotabato Provincial government, mga tauhan ng Cotabato Police Provincial Office at 602nd Brigade ng Phil. Army, ilang mga miyembro ng search and rescue operations at iba pa.

Empleyado ng isang kainan sa Kabacan, hinold-up; motorsiklo, tinangay

(Kabacan, North Cotabato/ November 17, 2013) ---Hinold-up ang isang trabahante ng Mokojo Bistro sa may bahagi ng Crossing Mercado at Matalam Street, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:00 kagabi (November 14, 2013).

Nakilala lamang ang biktima sa pangalang Jimboy kungsaan inihatid nito ang kaibigan sa Mercado st. pero ang di nila batid na sinusundan na sila ng mga suspek na lulan sa isang sikad.

Isa na namang Indian nat'l dinukot sa Mindanao

(Parang, Maguindanao/ November 17, 2013) ---Makaraang ang dalawang linggo na pagkakadukot sa isang mall owner sa Cotabato City na si Mike Khemani, isa na namang Indian national na negosyante na dinukot sa isang bayan sa Maguindanao alas 9:20 kagabi (November 13, 2013).

Kinilala ang biktima na si Krishan Singh Arora, 54.

Ayon sa report naganap ang pagdukot sa biktima habang bumili ng Everson Flywood Company sa Brgy Landasan Maguindanao si Arora.