Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Estudyante ng USM, sugatan matapos mahold-up

(Kabacan, North cotabato/ November 20, 2013) ---Sugatan ang isang BS Criminology Student ng University of Southern Mindanao matapos na manlaban sa mga suspek ng ma-hold-up ito sa may crossing ng Matalam St., at Diego Silang, Poblacion, Kabacan alas 8:30 kagabi (November 18, 2013).

Sa report na nakalap ng DXVL News kinilala ang biktima sa pangalan Jerald Almario, residente ng Pikit, North Cotabato at pansamantalang nanunuluyan sa Charm Boarding House na nasa Guiang St.


Ayon sa ulat, naglalakad umano ang biktima kasama ang kasintahan bitbit ang netbook nang lapitan sila ng dalawang di pa nakikilang lalaki.

Bigla umanong tinutukan ang biktima sa batok ng mga suspek sabay kalabit sa gatilyo ng baril maswerte namang di ito pumutok.

Kaya nanlaban si Almario sa mga suspek.

Nag-agawan pa umano sila ng baril, dahilan para pumutok ito sa kanya at tinamaan ang kanan at kaliwang binti ng biktima.

Nang malamang tinamaan ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek sa di malang direksiyon.

Agad namang isinugod sa USM hospital ang biktima para mabigyan ng medikal na atensiyon at maswerteng di naman natangay ang netbook nito.

Nagsagawa ng pursuit operation ang PNP para mapanagot ang responsible sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento