Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Taunang Sports event ng Kidapawan Deped, Isinagawa

(Kidapawan City/ November 23, 2013) ---Laksa-laksang mga mag-aaral mula sa Kidapawan ang sumali sa taunang Athletic Meet na isinasagawa ngayon sa Kidapawan City Pilot School na nagsimula (November 19) at magtatapos ngayong Biyernes Nob. 22.

Ayon kay General Tournament Manager Eliezer Elman ang paligsahan sa iba’t-ibang mga sports event ay nagsimula kahapon ng umaga matapos ang isinagawang Grand opening program.


Kabilang sa mga laro na pagtatagisan ng galing ng mga mag-aaral ay ang ballgames, athletics at iba pa.

Ang palaro ay nahati sa dalawang kategorya: elementarya at sekundaryo, ayon kay Elman.

Binubuo naman ng District 1-6 ng mga manlalaro mula sa elementary level habang Zone 1-4 naman ang mga high School.

Samantala, ang pananalong koponan o indibidwal sa iba’t-ibang laro ay mag rerepresenta sa Kidapawan city sa Cotabato Regional Athletics Association o CRAA sa susunod na taon.

Nakasentro ang sports event sa temang “Celebrating the Genius in every Child, Building the Generation of the 21st century Skills through Sports”. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento