Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mindanao Wide Coffee Congress, pinaghahandaan na ng DA-12

(Koronadal city/ November 22, 2013) ---Isasagawa ang Mindanao Wide Coffee Congress sa lungsod ng Heneral Santos sa Nobyembre a-26 hanggang 27, 2013.

Ayon kay DA-12 Regional Director Amalia Jayag Datukan layon nito na palakasin ang produksiyon at kita ng mga maliliit na magsasaka ng kape hindi lamang sa rehiyon dose bagkus sa buong Mindanao.

Sinabi na Datukan na ang rehiyon dose ang nangungunang producers ng kape sa buong bansa.



 Tinukoy nito na ang lalawigan ng Sultan Kudarat, partikular sa Senator Ninoy Aquino at Kulaman ang may malawak na taniman ng kape, South Cotabato, Saranggani at ilang bahagi ng North Cotabato.

Imbitado ang ilang mga eksperto sa larangan ng pagpapalaki ng kape mula sa bansang Malaysia na magiging panauhing tagapagsalita.

Kaugnay nito, hinamon ng director ang mga magkakape sa bansa na mag palabas ng nasariling brand sa market.

Aniya sa kasalukuyan ay may limang brand na ngayon ang kape sa mga lokal na Mercado: Green Tropics, Saranggani blend, Sultan Coffe, Kulaman Coffe at iba pa.

Kasama ni Director Datukan sa paghahanda ng nasabing congress si Regional Agriculture and fisheries Council  chairman Dionisio Bautista. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento