Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Estudyante ng USM, panibagong biktima ng motorcycle theft

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2013) ---Tinangay ng di pa nakilalang magnanakaw ang isang motorsiklo na pag-mamay-ari ng isang estudyante ng USM ng iparada nito sa gilid ng RSTC Building, USM Compound, Kabacan mag-aalas 6:00 kagabi (November 18, 2013).

Ayon kay Arjay Panilo, may ari ng kulay asul na Honda Motor Wave na may plakang MV 5574 at residente ng Poblacion ng bayang ito, nangyari umano ang insedente kasagsagan ng brown-out kagabi.


Inihatid lamang ng biktima ang kasintahan nito, subalit ng balikan ang kanyang sasakyan ay nawala na ito.

Nagawa pang sundan sana ng biktima ang mga dinaanan ng kanyang sasakyan dahil sa mga bakas na naiwan pero madilim na ang daanan.


May mga motorsiklo pa umanong nakaparke doon pero ang kanya lang ang natangay ng suspek. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento