Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P3M diumano’y ramsom sa pagkakalaya ng Mall Owner na Indian National na dinukot sa Cotabato City

(Cotabato city/ November 18, 2013) ---Napalaya na ang Indian National na may ari ng Sugni Super Store sa Cotabato City, Kabacan at Kidapawan City na dinukot sa Cotabato City at na-irelease ng kanyang mga abductor alas 7:30 nitong Sabado.

Pinalaya ang biktima na si Mike Khemani sa isang liblib na barangay sa may hanganan ng Kabuntalan at Datu Piang Maguindanao.


Mismong sina Cotabato City Mayor Japal Guiani at Kidapawan City Vice-Mayor Rodolfo Gantuangco ang kumuha sa biktima.

Napilitan umano ang mga kidnapper na pakawalan ang Indian National dahil na-pressure na umano ito sa pinaigting na operasyon ng militar, pulisya, Anti-Kidnapping Task Force at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi ni Cotabato City Administrator Atty Cynthia Guiani Sayadi na walang ibinayad na ransom money sa mga suspek.


Ngunit ayon sa intel report mula sa ground na nakarating sa himpilang ito, P3M umano ang ibinayad ng kamag-anak ni Khemani ito para ma-i-release ang biktima. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento