(Kidapawan City/ November 19, 2013) ---Aprubado
na sa Sangguniang Bayan ng Kabacan kahapon (November 14, 2013) ang pagpapalabas
ng P100, 000.00 ng LGU para pantulong sa mga survivor ng sinalanta ng Bagyong
Yolanda sa kabisayaan.
Ang pondo ay inaasahang ilalabas ni Mayor
Herlo Guzman, Jr. ngayong araw (November 15, 2013).
Ang nasabing halaga ay ibibili ng mga
pagkain kagaya ng sardinas, noodles at ilang mga mga kakailanganin ng mga
biktima.
Samantala sinabi naman ni Administrative
officer Cecilia Facurib na hanggang ngayong tanghali na lamang ang kanilang
pagtanggap sa mga donasyon para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.
Nakalagak ngayon ang mga relief goods sa
municipal gymnasium habang patuloy pa ang kanilang pagkalap ng dagdag na mga
donasyon sa tulong ng Municipal social welfare and Development Office katuwang
ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council at ilan pang ahensiya
ng Pamahalaang Lokal.
Nakatakdang dalhin ang lahat na nalikom ng
LGU kasama na ang ilang mga donasyon naman ng mga concern citizen ng Kabacan sa
Provincial Government ngayong araw.
Ang grupo ng North Cotabato ay tutulak sa
Tacloban City sa linggo Nobyembre a-17. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento