Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga kabataang Midsayapeṅo nakiisa sa blood donation activity

(Midsayap, North Cotabato/ November 23, 2013) ---Ginanap kamakailan ang isang mobile blood donation activity sa i-Link College of Science and Technology o i-Link CST sa Midsayap, North Cotabato.

Pinangunahan ito ng Philippine Red Cross-Cotabato City Chapter kaagapay ang tanggapan ni 1st District Rep. Jesus Sacdalan.

Aktibong lumahok ang mga mag-aaral ng i-Link CST partikular ang mga kabataang kumukuha ng BS Criminology kung saan abot sa 39 na bags of blood ang nalikom.


Ayon kay Congressional District Office focal person for Special Operations Benny Queman, nagpapatuloy ang nasabing aktibidad upang magkaroon ng karagdagang suplay ng dugo sa blood bank ng Red Cross na nakabase sa lungsod ng Cotabato.

Sinabi rin ni Queman na ilalapit din nila sa iba pang mga paaralan sa bayan ang aktibidad. Ito ay upang mahikayat ang mga kabataang Midsayapeṅo na makiisa sa adhikaing makatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng boluntaryong pag-dodonate ng kanilang mga dugo.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang tanggapan ng kongresista sa pamunuan ng i-Link CST at Red Cross sa patuloy na suporta ng mga ito sa programa.

Ang aktibidad ay bahagi ng ‘Kalusugan Para Sa Kapayapaan’ program ng Unang Distrito ng North Cotabato. Roderick Bautista



0 comments:

Mag-post ng isang Komento