Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM, ginawaran ng parangal bilang “Best universities and colleges in the country producing vermicast and vermitea”

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2013) ---Ginawaran ang University of Southern Mindanao bilang “best Universities and Colleges in the country producing vermicast and vermitea” na isinagawa sa Bureau of Soil and Water Management sa Diliman, Quezon City kahapon (November 18, 2013).


Mismong si USM Vermi Composting Facility Focal Person Dr. Josephine Migalbin ang tumanggap ng parangal bilang pagkilala sa malaking papel na ginagampanan ng Pamantasan sa pagtaguyod ng organic fertilizer sa bansa.



Ang parangal ay iginawad sa dalawang araw na National conference on Soil fertility Management Researches and Organic Fertilizer Production and Regulation sa BSWM Convention Hall sa lungsod ng Quezon na magtatapos ngayong araw.

Ayon kay Dr. Migalbin masaya ito dahil nakapasok ang USM sa maraming mga SUC’s sa bansa at malaking karangalan ito para sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao.

Samantala, ang CSU mula sa Sanchez Mira Campus ang itinanghal na outstanding at nakatanggap ng P100,000.00 cash habang apat namang mga paaralan ang nakapasok kabilang na dito ang USM.

Bukod sa certificate of Recognition, nakatanggap din ang Pamantasan ng P15,000.00 na cash, ayon kay Dr. Migalbin.

Kumatawan naman ni Dr. Cayetano Pomares bilang kahalili kay USM OIC Pres. Atty. Christopher Cabilen sa nasabing programa.

Kasama ni Dr. Migalbin sa nasabing proyekto sina Dr. Geoffray Atok at Dr. Julius Jerome Ele at suportado naman ni Chairman Jurhamid Imlan at Dr. Eulalio Vergara ang nasabing nasabing produksiyon ng vermicast at vermitea na nagsimula ang pananaliksik sa USM noon pang 2007. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento