(Kidapawan city/ November 18, 2013) ---Pinaniniwalaang
onsehan sa illegal na gawain ang itinuturong dahilan kung bakit napatay ang
isang 25-anyos na lalaki makaraang ratratin ng mga riding in tandem assassins
sa Block 8, Lot 12, Apo Sandawa Phase 3 sa Kidapawan city alas 6:10 kagabi
(November 13, 2013).
Kinilala ni Superintendent Noel Kinazo ang
deputy director for operations ng Cotabato Provincial Police Office, ang
biktima na si Mark Richard Blam.
Naisugod pa ang biktima sa pinakamalapit na
bahay pagamutan sa lungsod subalit ideneklara itong dead on arrival ng mga
attending physician.
Agad namang tumakas papalayo ang mga suspek
matapos maisakatuparan ang masamang balakin.
Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon
ang mga otoridad. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento