Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 mga menor de edad na biktima ng pamamaril sa Carmen, North Cotabato; patuloy na nagpapagaling sa ospital

(Carmen, North Cotabato/ November 19, 2013) ---Patuloy ngayong nilalapatan ng lunas ang tatlong mga menor de edad na tinamaan ng ligaw na bala sa nangyaring shooting incident sa Carmen, North Cotabato noong Biyernes ng hapon (November 15, 2013).

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina: Nor-ain Ebrahim, 15 residente ng Sitio Quary Poblacion, Carmen; Johanbri Tugas, 9 residente ng Sitio Tawan-tawan at Johani Malao, 10 residente din ng nasabing bayan.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat, isang Mando Ato, 57 at residente ng Kitulaan, Carmen ang nakatayo umano sa harap ng Obejon snackhuz sa Sampaguita St., ng nasabing bayan ng tumambad sa kanya ang riding in tandem.

Nang mabatid ni Ato na siya ang target, agad na umiwas ito ng magpaputok ang isa sa mga lulan ng motorsiklo dahilan para tumama ang bala sa tatlong mga biktima na kumakain sa nasabing snackhuz.

Mabilis na isinugod ang tatlong mga biktima sa San Rafael Hospital para mabiyan ng medikal na atensiyon pero sa kalaunan ay inilipat ito sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa di malamang direksiyon matapos ang pamamaril.
Narekober sa crime scene ang isang empty shell ng kalibre .45 na pistol.

Hindi pa malinaw kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril habang patuloy ang ginagawang pursuit operation ng Carmen PNP sa pangunguna ni Supt. Franklin Anito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento