(Kidapawan City/ November 18, 2013) ---Nakatakdang
magpadala ng mga construction crew ang Cotabato Electric Cooperative, Inc. o
cotelco para tumulong sa pagsasaayos ng mga napinsalang linya ng kuryente sa
kabisayaan.
Ito matapos na aprubahan kahapon (November
14, 2013) sa Sanggunian ang resolusyong humihiling kay Cotelco Gen. Manager
Engr. Godofredo Homez na magpapadala ng nasabing tulong.
Layon nito na mapabilis ang pagkukumpuni ng
mga sirang linya ng kuryente sa mga lugar sa Visayas region na matinding
sinalanta ng pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo ang Bagyong Yolanda.
Ang pondo ay magmumula umano sa Department
of Energy at kukunin buhat sa Malampaya Fund, ayon kay Councilor Peter Salac,
ang may hawak ng Committee on Energy sa Sanggunian.
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon
na tumulong ang kooperatiba bagkus patuloy na tutulong ang mga ito lalo pa’t
kailangan ngayon ng pamahalaan ang ayuda
mula sa mga kagaya nila.
Sa ngayon wala pa ring kuryente ang maraming
lugar sa Leyte at ilan pang mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Sa tla kahapon, umaabot na sa 2,275 ang
nasawi, 3,365 ang nasugatan habang nasa 80 pa ang nawawala sa pananalasa ng
super bagyong Yolanda sa Visayas Region partikular na sa Leyte at Samar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento