(Tulunan, North
Cotabato/ November 23, 2013) ---Pinasinayaan na ang bagong P50Milyong pisong
Bahay Pamahalaan ng Tulunan, North Cotabato kahapon.
Mismong si Cotabato
Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza ang nanguna sa pagpapasinaya ng nasabing
gusali kasabay ng pagdiriwang ng ika-52 taong anibersaryo ng bayan ng Tulunan.
Nanguna sa nasabing
selebrasyon si Tulunan Mayor Lani Candolada at mga matataas na opisyal ng
provincial government at ng Pamahalaang lokal ng Tulunan.
Ikinatuwa naman ni
Candolada na walang naiulat na mga di inaasahang pangyayari sa dalawang araw na
pagdiriwang.
Ang kasalukuyang
administrasyon ay nakatutok sa kanyang slogan na “Banwa ta, Amligan” na
naglalayong pangalagaan ang bayan ng Tulunan.
Ang bayan ng Tulunan
ay binubuo ng 29 na mga barangay at nasa hangganan ng bayan ng Mlang sa
Hilagang bahagi at Datu Paglas, Maguindanao sa Timog nito at Liguasan Marsh
naman sa kanluran at bayan ng Makilala sa panorteng bahagi nito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento