Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Expanded Benefit ng Philhealth, mapapakinabangan ng mga guro

Simula Kahapon, maaari nang pakinabangan ng mga guro at iba pang empleyado ng Department of Education o DepEd-12 ang benepisyo ng expanded Primary Care Benefit 1 o PCB1 package ng Philhealth na dati ay natatamasa lamang ng mga miyembro sa sponsored program.

Ayon sa Philhealth-12, ang pilot-testing ng PCB1 package sa mga guro at mga empleyado ng DepEd-12 na may kabuuang bilang na hindi bababa sa dalawamput tatlong libo katao ay nangangahulugang hindi na kailangan magkasakit ng isang empleyado ng DepEd bago pa nila mapapakinabangan ang binabayarang premium sa Philhealth dahil maaari na nila itong magamit sa primary preventive care.

Kaso ng dengue sa Rehiyon 12, tumaas ng 200%

Tumaas ng mahigit 200 porsyento ang bilang ng nagkakasakit ng dengue sa rehiyon dose ngayong taon.

Batay sa data mula sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit, mas mataas ng 227% ang dengue cases sa region 12 simula Enero 1 hanggang Setyembre 21.

Ayon sa report, may pinakamataas na kaso ng dengue ang North Cotabato na may 28%; 24% naman ang sa South Cotabato at abot sa 23% sa General Santos City.

Sa mga kasong ito, abot na sa 54 ang nasawi.

Naitala namang dengue hotspots ang mga Barangay ng Bula, Labangal, Lagao, Fatima, Mabuhay, Apopong, City Heights at Conel sa General Santos City.

Kabilang din sa hotspots ang mga Barangay ng Poblacion, Kablacan, Maasim, Lun Padidu at Malapatan sa Sarangani Province.


‘Octo trek’ sa Mt. Apo, simula na sa kabila ng banta sa seguridad

(Kidapawan City/ October 3, 2013) ---Nagsimula na ngayong linggo ang taunang ‘Octo Trek’ sa Mt. Apo gamit ang Kidapawan trial sa kabila ng banta sa seguridad ng mga armadong grupo sa lalawigan ng North Cotabato.

Sinabi ni Kidapawan City Tourism Officer Joey Recemilla na sa kabila ng banta sa seguridad ay tuloy pa rin ang kalakalan sa larangan ng turismo sa Kidapawan city, ito dahil ang “Kidapawan city is in business”.

2 proyekto ng Provincial Government sa ilang brgy. sa Matalam, North Cotabato; pinasinayaan

(Matalam, North Cotabato/ October 3, 2013) ---Pinasinayaan kamakailan ang ipinatayong proyekto ng Cotabato Provincial Government sa dalawang barangay sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang inagurasyon ng multi-purpose building sa Barangay Bato na nagkakahalaga ng P600, 000 at covered court sa barangay Linao na nagkakahalaga ng P1.2M.

35-anyos na tulak droga, arestado ng PDEA-ARMM

(Cotabato City/ October 3, 2013 ---Kulungan ang bagsak ng 35-anyos na ginang makaraang arestuhin ng Philippine Drug Enforcement Agency  PDEA-ARMM sa Purok Sampalok, Mother Barangay Bagua, Cotabato city kahapon.

Kinilala ni Director Yogi Filemen Ruiz ang suspek na si Maide Manedsen Latip-Isra o mas kilala sa tawag na Queen, kasado.

“Respeto sa bawat isa, para sa pagkaka-isa ng mga taga USM” ---Cong. Catamco

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 2, 2013) ---Respeto sa bawat isa, ito ang binigyang diin ni Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco sa kanyang mensahe sa 61st Founding Anniversary ng USM kahapon ng umaga.

Bagama’t maiksi pero malaman ang mahigit lamang sa sampung minutong mensahe ng kongresista.

Court of Appeals: Field testing ng BT Talong sa Pilipinas, ibinasura

(Kabacan, North Cotabato/ October 2, 2013) ----Ibinasura ng Court of Appeals ang inihaing motion for reconsideration ng mga proponent ng Genetically Modified Organism o GMO hinggil sa pagsasagawa ng field testing ng BT Talong sa bansa.
Ito makaraang maglabas ng desisyon noong Huwebes ang court of appeals sa pagbabawal ng pagsasagawa ng field testing ng BT Talong sa Pilipinas.

6 na oras na load curtailment nararanasan na sa service area ng Cotelco

(Matalam, North Cotabato/ October 2, 2013) ---Nakakaranas na ngayon ng abot sa anim na oras na pagkawala ng kuryente ang mga service area ng Cotabato Electric Cooperative bawat araw.

Sa kalatas na ipinalabas ni COTELCO General manager Godofredo Homez kung dati umangal ang mga kunsumidores ng COTELCO dahil sa ilang oras na brownout.

BPAT sugatan sa pagsabog ng granada; Mga otoridad at carnapper nagka-engkwentro sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 1, 2013) ---Isa ang nasugatan makaraang sumabog ang granada na itinapon ng mga carnapper sa mga otoridad sa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 9:30 kagabi.

Kinilala ni PCinsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang Barangay Peace Keeping Action Team na nasugatan na si Macky dela Cerna, nasa tamang edad at residente ng bayang ito.

USMAA may bago ng set of Officers

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 1, 2013) ---Inihalal bilang bagong Pangulo ng USM Alumni Association si Dr. Consuelo Tagaro sa katatapos na Grand alumni Homecoming na isinagawa sa café Martina, USM, Kabacan, Cotabato kahapon.

Iniluklok din bilang Vice President si Engr. Joseph Adam, Secretary: Dr. Luz Tapusok; Treasurer: Prof Rogelio “Bong” Mendoza, Auditor: Dr. Juvy Nitura; Business Manager: Ms. Agnes Rodulfa; PIO: Mr. Romeo Morales Gayao.

USM, magdiriwang ng kanyang ika-61st Founding Anniversary ngayong araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 1, 2013) ---Bubuksan ang 61st Founding Anniversary program ng University of Southern Mindanao sa pamamagitan ng Floral/ Kanduli Offering sa Bai Matabai Plang Marker na nasa loob ng Pamantasan.

Ito bilang pagkilala sa nagtatag ng USM na si Bai Hadja Fatima Matabay Plang.

Susundan ito ng Anniversary Convocation sa Pres. Asinas Amphitheater alas 7:30 ngayong umaga.

Mga guro’t mag-aaral sa Malingao Elementary School balik- eskwela na

(Midsayap, North Cotabato/ October 1, 2013) ---Pinangunahan kahapon ng Department of Education o DepEd- Cotabato Division ang pagbabalik- eskwela ng mga kabataan at guro sa Malingao Elementary School, Midsayap, North Cotabato.

Bilang simbolo ng bagong simula, muling itinaas ang bandila ng Pilipinas kung saan sabay na inawit ng mga kabataan, guro, magulang, sundalo at mga opisyal ng gobyerno ang ‘Lupang Hinirang.’

Lalaki, arestado sa Kidapawan City dahil sa paglabag sa VAW-C

(Kidapawan City/ October 1, 2013) ---Arestado ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP ang isang  Eduardo Ilagan , residente ng Agdao Davao City na may kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children (VAW-C).

Ayon kay Kidapawan City PNP Police Officer 1 Richard Ereje, bago ang pag-aresto kay Ilagan ay nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ito sa Kidapawan City.

Detachment ng Sundalo, inatake ng BIFF sa Maguindanao

(Datu Piang, Maguindanao/October 1, 2013) ---Muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ng tropa ng mga sundalo sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao alas 9:30 nitong Lunes.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army, Spokesman Colonel Dickson Hermoso pinasok ng mga rebeldeng grupo ang Brgy Madtalbayog, Brgy Glaci, Brgy Magaslong at Brgy Gumbay sa nasabing bayan kung saan inatake ng mga rebelde ang posisyon ng 45th Infantry Battalion Phil. Army at mga tauhan ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu).

Detachment ng Sundalo, inatake ng BIFF sa Maguindanao

(Datu Piang, Maguindanao/ September 30, 2013) ---Muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ng tropa ng mga sundalo sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao alas 9:30 kagabi.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army, Spokesman Colonel Dickson Hermoso pinasok ng mga rebeldeng grupo ang Brgy Madtalbayog, Brgy Glaci, Brgy Magaslong at Brgy Gumbay sa nasabing bayan kung saan inatake ng mga rebelde ang posisyon ng 45th Infantry Battalion Phil. Army at mga tauhan ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu).

64th Founding Anniversary ng bayan ng Pikit, ipinagdiwang

(Pikit, North Cotabato/ September 30, 2013) ---Pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang ika-64 na taong anibersaryo ng bayan ng Pikit, kahapon.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ng opisyal ang temang “Pikit ating Mahalin at Arugain”.

Naging mainit naman ang pagtanggap ng mamamayan ng Pikit sa pamumuno ni Mayor Muhyrin Sultan Casi sa gobernador.

16th Philippine Mathematical Olympiad, gagawin sa University of Southern Mindanao

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2013) ---Puspusan na ang paghahanda ng pamunuan ng Mathematical Society of the Philippines para sa nakatakdang pagdaraos ng 16th Philippine Mathematical Olympiad na gagawin sa College of Arts and Sciences, University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato sa Oktubre a-12 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay ARMM/Region 12 Coordinator Dr. Jonald Pimentel ng Math and Stat Department ng USM layon ng aktibidad na palakasin at lalo pang pag-ibayuhin ang Mathematics education sa bansa.

Comelec Kabacan, puspusan na ang paghahanda para sa nalalapit na Barangay elections

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2013) ---Pormal ng nagsimula noong Sabado (September 28, 2013) ang election period para sa barangay elections na gagawin sa Oktubre a-28.

Sinabi sa DXVL News ni OIC Election Officer Gideon Falcis ng Kabacan Comelec na patuloy ang ginagawa nilang printing para sa election Day computerized Voters’ List (EDCVL) at Precinct Computerized Voters’ List (PCVL).

Malaking kaltas sa buwis ng ilang mga COS sa USM, pinatatakhan!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2013) ---Dismayado ang ilang mga contract of service o COS na kawani ng University of Southern Mindanao sa malaking kaltas sa sahod nila para sa kanilang buwis.

Ayon sa ilang faculty na aming nakapanayam, noong nakaraang buwan ng Agosto abot sa P1,300 ang ibinawas sa kanilang tax sa sahod noong a-kinse.

26-anyos na engineer; sugatan sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ September 30, 2013) ---Hindi na ginagalang ngayon ng mga kriminal ang kasagraduhan ng simbahan makaraang barilin nila ang isang 26-anyos na engineer sa harap ng Sto. Nino Parish na nasa National Highway, Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 10:40 ng umga nitong Sabado.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni PSI. Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP sugatan sa nasabing pamamaril ang biktimang si Engr. Bryan Derije, kasado at residente ng Purok 4, Brgy. Inas, Mlang, North Cotabato.

2 patay; 7 sugatan sa aksidente sa daan sa Pigcawayan, North Cotabato

(Pigcawayan, North Cotabato/ September 30, 2013) ---Dalawa ang iniulat na patay on the spot habang habang pito naman 
ang malubhang nasugatan ng bumangga ang isang passenger L300 Van sa nakaparadang ten wheelers truck sa palikong kalsada ng Brgy Manuangan, Pigcawayan, North Cotabato alas 12:05 nitong Sabado.

Kinilala ni PSI Donald Cabigas, hepe ng Pigcawayan PNP ang isa sa mga binawian ng buhay na si Noramin Sali, driver ng Van na may plakang MVG-767 na nagkalasog-lasog ang katawan at isang babaeng pasahero na nawasak ang ulo sa lakas ng impak ng aksidente at hindi pa nakilala.

Naiwang bag sa USM Avenue, nagdulot ng bomb scare

(Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2013) ---Negatibo sa lamang pampasabog ang iniwang bag na nagdulot ng bombscare sa mga residente ng USM Avenue, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Batay sa pagsisiyasat ng EOD team at ng Kabacan PNP naglalaman lamang ng kulay pulang damit at ilang mga box ng pasalubong at ilan pang gamit ang laman ng nasabing itim na bag.

Labi ng sundalong nasawi sa Zambo, dumating na

(Amas, Kidapawan City/ September 29, 2013) ---Dumating na kahapon sa Arakan, North Cotabato ang mga labi ni Marine Private First Class Fren Parenyas, isa sa mga sundalong nasawi sa bakbakan ng mga sundalo at miyembro ng Moro National Liberation Front Misuari faction sa Zamboanga City.

Ayon sa ama ng biktima na si Rene Parenyas, nakapag-text pa raw ang kanyang anak na nasa maayos itong kalagayan at nagpaalam na may clearing operations sila.

Iba’t-ibang mga talento at gawa sa industriya ng Hotel at restaurant ibinida sa Maghikay Culinary Festival 2013 ng CHEFS-USM

Photo by: Shirl Mae Malacad Bebit
(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 29, 2013) ---Isinagawa ng College of Human Ecology and Food Sciences o CHEFS ng University of Southern Mindanao ang “Maghikay Culinary Festival 2013” sa USM Gymnasium noong Setyembre a-26.
 
Ayon kay International Hospitality Travel and Tourism Management Department Chairperson Cheryl Dulay layon ng aktibidad na ipakilala at ibibida ang iba’t-ibang mga talento at mga gawa sa larangan ng hotel and restaurant industry.