(Matalam, North Cotabato/ October 2, 2013) ---Nakakaranas na
ngayon ng abot sa anim na oras na pagkawala ng kuryente ang mga service area ng
Cotabato Electric Cooperative bawat araw.
Sa kalatas na ipinalabas ni COTELCO General manager Godofredo Homez
kung dati umangal ang mga kunsumidores ng COTELCO dahil sa ilang oras na
brownout.
Ngayon nadagdagan pa ito ng abot sa anim hanggang minsan ay siyam na oras.
Ang kakulangan ng suplay ng kuryente dahil sa nangyaring
pagpapasabog sa tower 141 ng NGCP sa Sitio Malabuaya, Barngay Kayaga, KAbacan
North Cotabato.
Nagpalabas ng kautusan sa load curtailment ang NGCP sa COTELCO.
Hindi raw kayang tugunan ng NGCP ang pangangailangan ng suplay sa
kuryente sa buong service area nito dahil sa temporary shutdown at maintenance
repair ng mga power plant sa Lanao del Norte.
Hinihintay pa ngayon ng COTELCO na matapos ang pagsasaayos ng
tower 141 ng NGCP upang kahit papaano ay mabawasan ang power interruption sa
service area nito.
Nilinaw rin ni Homez na hindi totoong tataas ang babayaran sa
electric bills sa nagyayaring brownouts.
Aniya, hindi naman iikot ang metro kung walang kuryente, sakali
mang mangyari ito, kailangan nilang ipagbigay alam sa COTELCO upang mabigyan ng
kaukulang aksyon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento