(Matalam,
North Cotabato/ October 3, 2013) ---Pinasinayaan kamakailan ang ipinatayong
proyekto ng Cotabato Provincial Government sa dalawang barangay sa bayan ng
Matalam, North Cotabato.
Pinangunahan
ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang inagurasyon ng multi-purpose
building sa Barangay Bato na nagkakahalaga ng P600, 000 at covered court sa
barangay Linao na nagkakahalaga ng P1.2M.
Personal
na tinungo ng gobernador ang malayong barangay ng Matalam para sa isinagawang
turn-over ceremony bilang bahagi ng proyekto nito sa ilalim ng “Serbisyong
Totoo” advocacy program, ito ayon sa report ni Provincial government MEDIA-
Jimmy Santacruz.
Pinasalamatan
naman ng mga residente sa lugar ang nasabing proyekto ng Pamahalaang probinsiya
na pinangunahan ni Kapitan Liberato Urbano ng brgy. Bato at Punong Barangay
Lerio Cabunducan ng Barngay Linao.
Sa
nasabing okasyon, nabigyan din ng probinsiya ng libreng merienda, tsinelas at
mga gamut ang mga bata at senior citizens sa lugar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento