Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Iba’t-ibang mga talento at gawa sa industriya ng Hotel at restaurant ibinida sa Maghikay Culinary Festival 2013 ng CHEFS-USM

Photo by: Shirl Mae Malacad Bebit
(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 29, 2013) ---Isinagawa ng College of Human Ecology and Food Sciences o CHEFS ng University of Southern Mindanao ang “Maghikay Culinary Festival 2013” sa USM Gymnasium noong Setyembre a-26.
 
Ayon kay International Hospitality Travel and Tourism Management Department Chairperson Cheryl Dulay layon ng aktibidad na ipakilala at ibibida ang iba’t-ibang mga talento at mga gawa sa larangan ng hotel and restaurant industry.


Bukod pa sa pagbibigay halaga sa paggawa ng pagkain sa tulong ng pinagsamang  culinary practices.

Kabilang sa mga patimpalak sa nasabing Culinary Festival ay ang CHEFS War, Buffet Centerpiece Arrangement, Sit Floral Centerpiece, Napkin Folding, Buffet Table Skirting, Fruits and Vegetable Carving, Bartender, Cake and Muffins Decorating, Waiters Relay, Patil Display, Kakanin Display at Bed Setting Display at iba pa. (Rhoderick Benez with report from Cris Tuscano)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento