(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 30,
2013) ---Dismayado ang ilang mga contract of service o COS na kawani ng
University of Southern Mindanao sa malaking kaltas sa sahod nila para sa
kanilang buwis.
Ayon sa ilang faculty na aming nakapanayam,
noong nakaraang buwan ng Agosto abot sa P1,300 ang ibinawas sa kanilang tax sa
sahod noong a-kinse.
Pero pagdating ng August 31, wala naman umanong
deduction sa kanilang sweldo.
Bukod dito, noong sahod ng a-kinse ng
Setyembre abot sa P1,500 ang ibinawas sa ilang mga COS, ayon sa kanilang
reklamo kaya umalma ang mga ito.
Maliban dito, binawasan din ang mga bagong
COS ng P300.00.
Sa panayam kay USM Vice President for
Administration and Finance Dr. Francisco Gil Garcia lumubo umano ang nasabing
tax deduction, dahil sa limang buwang di kinaltasan ang mga ito.
Dagdag pa ng opisyal na ang mga kinaltasan
sa kanilang buwis ay yaong mga kumikita ng above minimum wage.
Naikunsulta na rin ng pamunuan ng USM sa
Bureau of Internal Revenue ang pagkaltas sa buwis.
Ngayong araw inatasan na ni Dr. Garcia para
sa nakatakdang pagpu-pulong sina OIC HRMDO Director Eleanor Abellera at
Director for Finance and Management System Bernabe Mondia para ilatag ang mga
hakbang na dapat nilang gawin sa nasabing usapin. Rhoderick Beñez/DXVL NEWS
0 comments:
Mag-post ng isang Komento