Simula Kahapon, maaari nang pakinabangan ng mga guro at iba pang
empleyado ng Department of Education o DepEd-12 ang benepisyo ng expanded
Primary Care Benefit 1 o PCB1 package ng Philhealth na dati ay natatamasa
lamang ng mga miyembro sa sponsored program.
Ayon sa Philhealth-12, ang pilot-testing ng PCB1 package sa mga guro at mga
empleyado ng DepEd-12 na may kabuuang bilang na hindi bababa sa dalawamput
tatlong libo katao ay nangangahulugang hindi na kailangan magkasakit ng isang
empleyado ng DepEd bago pa nila mapapakinabangan ang binabayarang premium sa
Philhealth dahil maaari na nila itong magamit sa primary preventive care.
Kabilang sa preventive health care ang pagpapakonsulta, screening sa cervical
cancer, regular na pagkuha ng blood pressure measurement, taunang clinical breast
exam, counseling para sa healthy lifestyle, paghinto sa paninigarilyo at
digital rectal exam.
Kasama rin sa serbisyo ang CBC, urinalysis, fecalysis, sputum microscopy,
fasting blood sugar, lipid profile at chest X-ray pati na ang medikasyon para
sa asthma, acute gastroenteritis with no or mild dehydration, minimal or low
risk upper respiratory tract infection at urinary tract Infection.
Bago rito, ang PCB1 package na sinimulang ipinatupad noong taong 2000 ay
eksklusibong natatamasa ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino
Program at mga miyembro sa ilalim ng sponsored program o mga mahihirap na
pamilyang sinusuportahan ng mga lokal na pamahalaan, pribadong indibidwal,
kompanya at iba pang mga sponsor ang pagbabayad sa Philhealth premium. Roderick Bautista
DXVL Staff
...
Expanded Benefit ng Philhealth, mapapakinabangan ng mga guro
Huwebes, Oktubre 03, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento