(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 30,
2013) ---Pormal ng nagsimula noong Sabado (September 28, 2013) ang election
period para sa barangay elections na gagawin sa Oktubre a-28.
Sinabi sa DXVL News ni OIC Election Officer
Gideon Falcis ng Kabacan Comelec na patuloy ang ginagawa nilang printing para
sa election Day computerized Voters’ List (EDCVL) at Precinct Computerized
Voters’ List (PCVL).
Samantala, ang election period ay tatagal
hanggang sa Nobyembre 12, 2013 habang ang paghahain ng Certificates of
Candidacy (COC) para sa pagka-barangay chairman at kagawad ay itinakda naman sa
Oktubre 11 hanggang 17.
Nabatid mula kay Falcis na ang bayan ng
Kabacan ay may kabuuang 41,898 registered voters batay sa pinakahuling record
ng Kabacan Comelec.
Dahil dito naghigpit na rin ng seguridad ang
Kabacan PNP at ang comelec Kabacan sa mga checkpoints nila partikular sa
Poblacion Kabacan at National Highway para sa ipinapatupad na gun ban. Rhoderick Beñez/DXVL NEWS
0 comments:
Mag-post ng isang Komento