Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

26-anyos na engineer; sugatan sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ September 30, 2013) ---Hindi na ginagalang ngayon ng mga kriminal ang kasagraduhan ng simbahan makaraang barilin nila ang isang 26-anyos na engineer sa harap ng Sto. Nino Parish na nasa National Highway, Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 10:40 ng umga nitong Sabado.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni PSI. Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP sugatan sa nasabing pamamaril ang biktimang si Engr. Bryan Derije, kasado at residente ng Purok 4, Brgy. Inas, Mlang, North Cotabato.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan tinatahak umano ng biktima ang kahabaan ng National Highway lulan ang Misis nitong kinilala si Dona Cristine Derije sakay sa kulay berdeng Kawasaki KLX 150 walang license plate.

Huminto ang mga ito sa harap ng nasabing simbahan para umihi pero ng papaalis na ang mga ito ay binaril ang biktimang si Bryan ng riding in tandem assassins gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Mabilis na isinugod ang biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan.


Inaalam na ngayon ngmga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez/DXVL NEWS

0 comments:

Mag-post ng isang Komento