(Pigcawayan, North Cotabato/ September 30,
2013) ---Dalawa ang iniulat na patay on the spot habang habang pito naman
ang malubhang nasugatan ng bumangga ang isang passenger L300 Van sa nakaparadang ten wheelers truck sa palikong kalsada ng Brgy Manuangan, Pigcawayan, North Cotabato alas 12:05 nitong Sabado.
Kinilala ni PSI Donald Cabigas, hepe ng Pigcawayan PNP ang isa sa mga binawian ng buhay na si Noramin Sali, driver ng Van na may plakang MVG-767 na nagkalasog-lasog ang katawan at isang babaeng pasahero na nawasak ang ulo sa lakas ng impak ng aksidente at hindi pa nakilala.
Samantala patuloy namang ginagamot sa iba’t-ibang mga bahay pagamutan ang tatlong bata at apat na may edad makaraang malubha ang sugat na natamao sa nasabing aksidente.
Ayon sa ulat ng pulisya galing ang L300 Van sa Cotabato City patungong Midsayap, North Cotabato ngunit pagsapit nito sa pinangyarihan ng insedente biglang nawalan ng preno ang Van at bumangga sa nakaparadang ten wheelers truck na may plakang MVG-635 sa gilid ng National Highway .
Sinabi ng driver ng ten wheeler truck na si Riden Pido na katatapos lang nilang magbaba ng bigas sa isang rice mill ng bumangga ang van sa likurang bahagi ng trak.
Ayon sa ilang mga nakasaksi sa aksidente na sobrang bilis ng takbo ng Van sa palikong kalsada at di na nito makontrol ang manobela kaya bumangga sa nakaparadang malaking trak. Rhoderick BeƱez/DXVL NEWS

0 comments:
Mag-post ng isang Komento