(Midsayap, North
Cotabato/ October 1, 2013) ---Pinangunahan kahapon ng Department of Education o
DepEd- Cotabato Division ang pagbabalik- eskwela ng mga kabataan at guro sa
Malingao Elementary School, Midsayap, North Cotabato.
Bilang simbolo ng
bagong simula, muling itinaas ang bandila ng Pilipinas kung saan sabay na
inawit ng mga kabataan, guro, magulang, sundalo at mga opisyal ng gobyerno ang
‘Lupang Hinirang.’
Naging emosyonal ang
muling pagbubukas ng klase sa nabanggit na paaralan dahil dama pa rin ng mga
guro at mag-aaral ang takot sanhi ng kaguluhang dulot ng pagsasagupaan ng
pwersa ng pamahalaan at mga pinaghihinalaang kasapi ng Bangsamoro Islamic
Freedom Fighters o BIFF.
Sa kanyang mensahe,
pinasalamatan ni House Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity
Vice Chairperson Rep. Jesus Sacdalan ang mga gurong nagbalik upang ituloy ang
kanilang tungkulin bilang titser.
Kung matatandaan ay
halos isang linggo ring nasuspinde ang klase sa Malingao Elementary School at
ilang karatig- barangay dahil sa takot na maipit sa bakbakan ng militar at
BIFF.
Samatantala, hiniling
naman ni 40th IB Commanding Officer Col. Roberto Huet ang suporta at
pakikipagtulunagn ng mga opisyal ng barangay, mga mamamayan at lokal na
pamahalaan upang masiguro ang seguridad sa lugar.
Naglatag na rin ng
plano ang barangay council at lokal na pamahalaan upang tiyakin ang kaligtasan
ng mga guro sa kanilang muling simula ng pagtuturo sa mga kabataan.(Roderick
Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento