Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BPAT sugatan sa pagsabog ng granada; Mga otoridad at carnapper nagka-engkwentro sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 1, 2013) ---Isa ang nasugatan makaraang sumabog ang granada na itinapon ng mga carnapper sa mga otoridad sa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 9:30 kagabi.

Kinilala ni PCinsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang Barangay Peace Keeping Action Team na nasugatan na si Macky dela Cerna, nasa tamang edad at residente ng bayang ito.

Ayon sa report, nagsasagawa umano ng security patrol ang pinagsanib na pwersa ng intel operatives, patrol team ng Kabacan MPS kasama ang tropa ng 7th IB sa bahagi ng brgy. Osias ng ma ispatan ang tatlong mga carnapper.

Nang akmang sisiyasatin ng mga otoridad ang mga ito, kanilang itinapon ang dala nilang granada.
Nagresulta sa pagkakasugat ng isang BPAT ang pagsabog ng granada.

Agad nagkasa ng pursuit operation ang tropa ni Maribojo kungsaan nagka engkwentro ang mga ito at nagkaroon pa ng ilang minutong palitan ng putok sa dalawang panig habang papatakas ang mga suspek sa bahagi ng Lower Paatan.

Sa ngayon ay patuloy ng tinutugis ng mga otoridad ang mga suspek na responsable sa pagpapasabog ng granada kagabi.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na bahay pagamutan ang BPAT na nasugatan para mabigyan ng medikal na atensiyon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento