(USM,
Kabacan, North Cotabato/ October 1, 2013) ---Bubuksan ang 61st
Founding Anniversary program ng University of Southern Mindanao sa pamamagitan
ng Floral/ Kanduli Offering sa Bai Matabai Plang Marker na nasa loob ng
Pamantasan.
Ito
bilang pagkilala sa nagtatag ng USM na si Bai Hadja Fatima Matabay Plang.
Susundan
ito ng Anniversary Convocation sa Pres. Asinas Amphitheater alas 7:30 ngayong
umaga.
Batay
sa opisyal na programa na inihanda ng pamunuan ng USM magiging panauhing
tagapagsalita sa ika-61 taong pagkakatatag ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao
si 2nd District Representative Nancy Catamco.
Ang
aktibidad ay pinangunahan ni OIC Pres. Atty. Christopher Cabilen.
Ang 61st
founding anniversary ng USM ay pinamumunuan ngayon ni VP for Academic Affairs
Dr. Lorna Valdez.
Gagawaran
din ng parangal ang mga USM Outstanding Alumni Awardees 2013: sa larangan ng
administration: Benjamin John Basilio, Batch 1983, 1994 (BSA, MS) Center
Director, Philippine Carabao Center, USM, Kabacan, Cotabato.
Sa
larangan ng Research: Restituto Granada, Jr., BSA 1985, Senior Assistant Vice
President, Tagum Agricultural Development, Co., Inc. Tagum city.
Nakasentro
ang programa sa temang: Sustaining its Responsibility for Culture-sensitivity,
Moral Responsiveness and Global Competitiveness. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento